Staff ng isang show nabunutan ng tinik nang lumayas ang host na sobra ang kaartehan
Nagpapasalamat ang staff ng isang TV show dahil hindi na nila makakatrabaho ang maarteng male TV host.
Isa sa sakit ng ulo raw nila ang maarteng male TV host dahil masyado raw itong reklamador at namimili nang iinterbyuhin na celebrity na nagiging guest sa show nila.
Kapag na-assign daw sa kanya ang isang baguhan na artista, biglang aasim daw ang mukha nito at sasabihin, ‘Sino ‘yan? Give it to somebody else.’
Kaya ang mga kasama ng maarteng TV host ay naiinis sa kanya dahil tumatakbo ang show na tatatlo lang ang nagiging trabaho niya dahil pinapasa nito ang ibang trabaho niya sa kanila.
Tuloy inireklamo siya ng isang host at sinabing bakit nila tino-tolerate ang kaartehan ng male TV host? Hindi bale raw sana kung sa kakatanggi nito sa trabaho ay binabawasan ang talent fee nito. Kaso intact ang suweldo nito pero panay ang tanggi niya sa ipinagagawa sa kanya.
Sinadyang iparinig ng isang TV host ang reklamo niya sa male TV host para matauhan ito. Kailangan naman ay patas itong magtrabaho. Pare-pareho raw silang sinusuwelduhan to work at hindi tumanggi at ipasa sa iba ang trabaho.
Katuwiran ng staff ay ayaw na raw nilang makipagdebate pa sa maarteng male TV host. Kapag pinilit pa raw nila ito, unang-unang gagawin nito ay magsumbong at magreklamo.
Pero dahil sa emote nga ng mga kasamahan nito, wala silang choice kundi ang ipilit ang trabaho sa maarteng male TV host or else, babawasan nila ang TF nito.
Pero after ng ilang linggo ay nag-resign na sa show ang maarteng male TV host. Magkakaroon daw ng conflict sa gagawin niya sa ibang work.
Kaya naman natuwa ang staff dahil nabunutan sila ng malaking tinik sa dibdib nila. Hindi na sila makikipag-deal pa sa kaartehan ng male TV host.
Kristoffer hindi nawawalan ng oras kay Joyce
Kahit na tinambal si Kristoffer Martin kay Kim Rodriguez sa Kakambal ni Eliana, hindi naman siya nawawalan ng panahon para sa tunay niyang girlfriend na si Joyce Ching.
Kelan lang daw ay nag-date silang dalawa sa Eastwood City at nanood ng Iron Man 3.
Kung ano raw ang mga ginagawa nila noon ay hindi iyon nababago, basta may panahon ang bawa’t isa sa kanila.
Barbara Walters
magre-retiro na
Ginulat ng sikat na broadcast journalist na si Barbara Walters ang marami niyang mga tagahanga nang sabihin nito na magre-retire na siya sa 2014.
Maluha-luhang sinabi ng 83-year old journalist and TV host sa kanyang show na The View na siya ay magreretiro na.
“I have been on television for over 50 years. In the summer of 2014, I plan to retire from appearing on television. This is what I want to do. I’ve had an amazing career.â€
Kaya bago dumating ang 2014, tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagiging anchor para sa The View na siya rin ang producer since 1997.
Gagawin pa rin niya for ABC in December ang 20 Years of the 10 Most Fascinating People special, isang Oscar coverage special at isang May career retrospective.
Naging concern nga ang ABC sa kalusugan ni Walters after nitong magkaroon ng open heart surgery noong 2010. Noong January ng taong ito, Walters suffered a concussion after niyang mag-faint at tumama ang kanyang ulo sa sahig. Kelan lang ay na-diagnose maman siya with chicken pox kaya isang buwan din siyang hindi nag-report sa trabaho.
Nakilala si Walters dahil sa kanyang mga exclusive interviews with world leaders tulad nila Fidel Castro of Cuba, Margaret Thatcher of Great Britain, Saddam Hussein of Iraq at ang mga US presidents beginning with Richard Nixon hanggang kay Barack Obama.
- Latest