Nagugulat ako kapag nakikita ko ang mga litrato ni LorÂna Tolentino sa Burgos dahil hindi ko siya agad namumukhaan.
Effective na effective si Lorna sa pagganap nito bilang Mrs. Editha Burgos. In character na in character si LT dahil si Mrs. Burgos ang nakikita ko sa mga litrato, hindi siya. Ganyan kagaling na aktres si Lorna na hindi natakot na baguhin ang kanyang hitsura alang-alang sa karakter na ginagampanan niya.
Luis sweet at demonstrative kay Jennylyn
Kinaiinggitan ang relasyon nina Luis Manzano at Jennylyn Mercado dahil in love sila sa isa’t isa.
Mother’s Day kahapon at si Luis ang unang bumati sa kanyang girlfriend ng “Happy Mother’s Dayâ€. Sweet at demonstrative si Luis kaya wish ng ibang mga babae ay makahanap sila ng mhin na katulad ng dyowa ni Jennylyn na wala nang mahihiling pa dahil na-meet na niya ang kanyang ideal boyfriend.
Anak ni Aiai na nasa Amerika nag-effort para sa Mother’s day
Touched na touched si AiAi delas Alas sa Mother’s Day message sa kanya ng bunsong anak na si Sophia.
Mag-aaral sa Amerika si Sophia at doon na ito nakaÂtira. Kesehodang nasa malayong lugar, nag-effort ang bagets na mag-compose ng very long Mother’s Day message para sa kanyang tanging ina. Bilang ina, walang maisusumbat kay AiAi dahil napalaki niya nang maayos ang kanyang mga anak.
Pamilya De Leon abala sa kasal ng anak na galing New Zealand
Hectic pa ang schedule ng De Leon family dahil hindi sila nawawalan ng activities mula nang sumali sa 2013 Bb. Pilipinas si Mariel.
Pagkatapos ng Bb. Pilipinas stint ni Mariel at pangangampanya sa Batangas, ang kasal sa May 19 ng panganay na anak ang inaasikaso ni Sandy Andolong.
Ikakasal si Rafael at ang girlfriend nito na si Aerika sa Batangas sa May 19. Matagal nang based sa New Zealand ang magdyowa at umuwi lamang sila ng Pilipinas para sa kanilang church wedding.
Devout Catholic ang mga magulang ni Rafael kaya hindi puwedeng hindi sila ikasal ni Aerika sa simbahan.
Ipinagbuntis ni Sandy si Rafael habang ginagawa niya ang pelikulang Oro, Plata, Mata noong early 80’s.
Hindi pa halata ang tiyan ni Sandy kaya natapos niya ang shooting ng classic movie ni Peque Gallaga. Big news noon ang pagbubuntis ni Sandy dahil ex nga ni Nora Aunor ang kanyang asawa.
Sobrang bilis ng panahon dahil magiging dalawa na ang manugang ni Sandy. Nauna nang magpakasal ang kanyang anak na si Miguel. US-based na si Miguel at ang misis nito pero naiwan kay Sandy ang kanilang anak na si Primo. Siyempre, ayaw ni Sandy na dalhin sa Amerika si Primo dahil giliw na giliw siya sa kanyang apo.