^

Pang Movies

TV producers may pananagutan sa mga artistang nakakapag-droga dahil sa magdamagang taping

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nakakagulat pa rin ang nabalitaan namin tungkol sa natuklasan kay Michael Jackson na nung mamatay daw ito ay nakita sa autopsy ang malaking dosage ng isang droga na ginagamit nilang anaesthetic sa mga ospital lamang. Sinasabi ng mga imbestigador, na ngayon ay ipinatawag ng korte dahil sa petition ng pamilya ng King of Pop, talagang sila man ay naalarma nang makita nila iyon sa autopsy at makakita sila ng fragments ng gamot sa bahay mismo ng pop singer.

Nauna rito, nasentensiyahan na ang doktor ni Mi­chael sa pagpatay dahil nalaman na binibigyan niya ng gamot ang pasyente sa napakataas na do­sa­ge. Maaaring si Michael nga ang humihingi pero hin­­di dapat na ginagawa iyon ng isang doktor dahil maaari talagang ikamatay iyon ng kanyang pasyen­te.

Natatandaan nga namin ang isang kasong ganyan dito sa atin. Talagang inipit nila ang resulta ng autopsy ng isang aktor na namatay noon dahil kung lumabas ang unang autopsy ay malalaman na ang ikinamatay niya talaga ay overdose ng droga.

May isa ring aktres na namatay noon, na nang buksan ang katawan para sa otopsiya ay may nakuha sa kanyang bituka na mga tabletang hindi pa natutunaw. Overdose rin iyon pero iba naman ang kanyang ikinamatay, suicide. Pero mali­wanag nang mag-suicide siya ay bangag nga siya.

Ewan kung bakit nga ba nauuso ang ganyan sa mga artista. Sabi nila, dahil daw disturbed ang mga artista, dahil daw wala silang security sa kanilang ca­reer, na ma­aa­ri silang lumubog anumang oras. Bu­kod doon, siguro nga ginagawa nila iyon dahil mag­damagan ang kanilang trabaho. Minsan ang taping nila ay ina­­abot hanggang kinabukasan pa ng umaga at para makatagal sila sa ganoon. Gumagamit na lang sila ng droga.

Basta may nangyaring ganyan, na nalamang nag-droga dahil sa trabaho, dapat ay may pananagutan din ang mga producer nila o ang network ng telebis­yon na nagpapatrabaho nang magdamagan.

Nakarinig na kami ng maraming kuwento. Minsan daw ay kailangan nilang gumamit ng “uppers” dahil magdamagan ang taping at hindi naman sila makakauwi. Oras kasing ginawa nila iyon ay pababayaran sa kanila ng network ang lahat ng gastos sa istorbo na inaabot ng milyong piso, ganung ang bayad lang naman sa kanila sa isang araw ay tatlumpung libong piso.

F1 racer Marlon Stockinger pinagkaguluhan na parang artista

Talagang nagsikip ang traffic sa may Roxas Bou­levard sa Manila City noong isang araw dahil pala sa exhibition ng Formula One (F1) cars at sa pinagka­gu­luhan nilang half-Filipino racer na si Marlon Stock­in­ger. Aba, simula nang dumating si Marlon ay usap-usapan na dahil mukha na­man talaga siyang isang matinee idol. Lumaki siya rito sa Pilipinas at dun daw sila nakatira sa Malate noon at pagkatapos ay naisipan na nga niyang sumama sa kanyang pamilya sa Europe.

Magaling mag-Tagalog si Marlon kasi dito naman siya lumaki, at doon nga raw sa kanila, nagsasalita rin naman sila ng Tagalog. Talaga ngang mukha siyang artista at siguro kung papasok sa showbusiness ay sisikat nga siya. Kaya lang priority niya ang car racing at iyon lang ang gusto niyang gawin sa ngayon. Sayang. Ang gan­yan sanang klase ang maaaring sumikat bilang isang bagong idolo. Totoong lalaki pa, hindi kagaya ng ibang matinee idol na gay.

Aktres payag nang ‘cover girl’ ng bading na manliligaw kesa sa tunay na lalaki na babaero naman

Alam naman ng aktres na bading nga ang nanliligaw sa kanya ngayon pero okay lang sa kanya kesa naman sa naging boyfriend niya dati na hindi nga bading ay kabi-kabila naman ang babae.

Ibig sabihin, payag ang aktres na maging isang “cover girl,” i­yon bang babaeng ginagamit ng mga bading para itago ang kanilang kabaklaan.

DAHIL

FORMULA ONE

ISANG

IYON

KING OF POP

MANILA CITY

NAMAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with