Mga Sanggol at Langaw na sa Tunay Na Buhay

MANILA, Philippines - Umaalingasaw, mabaho, at marumi â€˜yan ang sitwasyon ng kapaligiran ng pamilya ni Aling Lourdelisa sa tambakan ng basura sa Tondo Maynila. Sa ngayon ay lima na ang kanyang anak at madadagdagan pa ito dahil siyam na buwan siyang buntis.

Sa kanyang kalagayan ay dapat nagpapahinga na lang siya dahil anumang oras ay puwede na siyang manganak. Subalit nangangalakal pa rin siya ng basura kasama ng kanyang mga musmos na anak at kanyang asawa para mabuhay at may makain—hindi alintana ang komplikasyon na puwedeng masagap niya at ng munting anghel sa kanyang sinapupunan.

Samahan ang batikang dokumentarista na si Kara David na tuklasin ang hirap ng pamumuhay sa gitna ng katas ng basura sa dumpsite ngayong Sabado pagkatapos ng Para Sa Iyo ang Laban Na Ito sa GMA-7.

 

Show comments