JC lumayas na kay Annabelle Rama

MANILA, Philippines - Matatapos na ang contract ni JC de Vera sa Channel 5 pero tipong ayaw pa niyang umalis dito.  “Malaki ang utang na loob ko sa Kapatid Channel dahil sila ang nagligtas sa akin, sa career ko, nang mawala ako sa Channel  7,” sabi niya.

Pero kumpirmadong lumayas na siya sa poder ni Tita Annabelle Rama. Nasa pamunuan na rin siya ng Triple A ni Mr. Tony Tuviera. Kasama na niya ngayon sa kuwadra sina Marian Rivera at Andrea Torres.

Isang teleserye na lang ang tinanggap ni JC sa Singko, Cassandra: Warrior Angel katambal ni Eula Caballero.  Dito, ganap na ganap na siyang action star.  

‘WALANG MASAMA SA GINAWA KO’ HEART

Pinasok  na rin ni Heart Evangelista ang pagpapaseksi sa cover ng men’s magazine. Sa latest issue ng Esquire magazine, nag-pose siya ng naka-sando at panty lang ang suot niya.

“Wala namang masama sa ginawa ko,” depensa pa niya, “ I did this for a change. Saka picture lang naman ito at maganda ang kinalabasan.”

Si Raymond Gutierrez ang kumausap kay Heart para sa cover shoot na ito at madali naman siyang pumayag.  Akala nga ni Raymond ay hindi papayag si Heart dahil conservative ito, lalo na ang parents niya.  At baka may masabi rin daw ang boyfriend niyang si Chiz Escudero.

“Hindi naman magagalit si Chiz sa cover photo ko. Naiintindihan niya ang career ko at ayaw niyang makasira,” pagtatapos ni Heart.

                                             

 

Show comments