Christian atat nang umarte
Hanggang sa pagpili lamang ng 12 finalists ng Philippine Popular (PhilPop) Music Festival na binubuo nina Paul Armesin, Marlon Barnuevo, Jungee Marcelo, Johnoy Danao, Raffy Calicden, Gani Brown, Myrus Apacible, Adriene Sarmiento-Buenaventura, Marion Aunor, Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana, Lara Maigue at Joey Ayala ang puwedeng gawin ni Christian Bautista. Nang makausap namin ang actor-singer matapos silang ipakilala ni Executive Director Ryan Cayabyab, nalaman naming gusto pala niyang maging judge sa grand finals pero baka hindi siya payagan ng GMA Network, na may exclusive contract siya, dahil sa TV5 ito gagawin sa July 6, 2013.
Samantala, excited na si Christian sa pagsisimula niyang umarte sa first lead role niya sa afternoon prime rom-com drama ng GMA 7 na With a Smile. Nag-meet na sila personally nina Andrea Torres at Mikael Daez at biro niya hindi siya intimidated ng kagandahang-lalaki ni Mikael at naging okey agad ang pagkikilala nilang tatlo. By September naman siya magsisimula as Prince Charming sa stage musical na Cinderella sa Resorts World.
Mga beki sa PMA ibinuko ni Trillanes
Marunong din palang humalakhak ang seryosong si Sen. Antonio Trillanes IV. Sa presscon na ibinigay ni Mother Lily Monteverde sa paborito niyang Senador, tinanong siya ng moderator na si Jun Nardo kung talaga bang lagi siyang seryoso, hindi ba siya marunong tumawa? Inihayag ni Sen. Trillanes na nasanay na sila, being a member of the Philippine Military Academy (PMA), na kapag lumabas na sila, dapat seryoso sila, they can’t smile, can’t look around, less they get demerits. Ngayon na raw lamang pumasok siya sa politics at nakaharap sa entertainment press corps natuto to soften and loosen up.
Napansin ng press na wala siyang celebrity endorser, wala raw namang celebrity na lumapit para siya i-endorse kaya napapalakpak si Mother Lily nang sabihin ng Senador na enough na ang pag-i-endorse sa kanya ng Regal matriarch. Natanong din ang Senador tungkol sa pagkamatay ng youngest child niya, si Allan Andrew. Nasa detention daw siya in 2007 nang after 21 days of childbirth namatay ang only son niya.
Sinagot din ng Senador at ng dalawa niyang kasama, sina Gary Alejandro at Ariel Querubin ng Magdalo Party List kung totoong may mga beki rin sa PMA? Hindi raw mawawala iyon, basta they don’t openly come out, but they don’t take against them kung ano ang kanilang kasarian.
Libangan ng Senador ang manood ng sine with his family, ang latest niyang napanood, ang Iron Man 3 at hindi niya pinalalampas ang mga movies ni Tom Cruise. Pero nanood siya ng premiere night ng Temptation Island dahil in-invite siya ni Mother Lily na suportahan niya ang movie.
- Latest