Mikael makiki-Potchi!

MANILA, Philippines - Ngayong Sabado (Mayo 4), mapapanood na ang pagsabak ng Tropang Potchi kasama si Mikael Daez sa kanilang kauna-unahang Potchilympics na ginanap sa Antipolo.

Bukod sa mga pisikal na challenges, humarap din ang mga ka-potchi sa mga challenges na sumubok sa kanilang mental at emosyonal na lakas. Hinati sila sa dalawang team at bawat team ay kailangan dumaan sa tatlong istasyon.

Ang Team Green ay binubuo nina Julian (Julian Trono), Bianca (Bianca Umali), at Nomer (Nomer Limatog). Samantala, sina Miggy (Miggy Jimenez),­ Sab (Sabrina Man), at Liane (Liane Valentino) ang napunta sa Team Pink.

Makakasama nila si Kuya Mikael, Lenlen (Lenlen Frial), at Potchi bilang mga hosts. Sinong team kaya ang mananalo?

Abangan ang kanilang mga adventure at kung sino ang magiging kauna-unahang kampeon sa Potchilympics sa Tropang Potchi ngayong Sabado ng umaga sa GMA.

Show comments