Doctor na mister ni Donna Cruz kinasuhan ng tax evasion

MANILA, Philippines - Kinasuhan  ng tax evasion ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mister ng singer /actress na si Donna Cruz na si Dr. Potenciano Sto Domingo Larrazabal  III  dahil sa umano’y pagkabigo nito na magbigay ng tamang impormasyon ng kanyang kita, hindi mag file ng kanyang Value-Added Tax (VAT)  returns para sa taong  2009, 2010 at  2011 na paglabag sa  Sections 254 at 255  ng Tax Code.

Si Larrazabal na  taga 303 Buenaventura Condo, 62 E. Osmeña St., Cebu City ay napatunayang kumita ng may P29.14 million noong 2009, 2010 at 2011 pero umaabot lamang sa P4.72 million ang idineklara nitong kita sa nasabing mga taon.

                        

 

Show comments