^

Pang Movies

Staff panay ang reklamo, sinasagad din pag nasa taping mabait at mahusay na beteranang aktres padamit at pa-kotse ng sinalihang serye

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Matagal din na hindi napapanood ang isang mahusay na veteran act­ress sa anumang teleserye ngayon.

Mabait at mahusay naman daw sa kanyang trabaho ang naturang vete­ran actress. Ang problema lang ay masyado niyang inaabala ang mga tao sa production kaya mabuti na rin daw ‘yung hindi muna siya kasama sa anumang TV show at bawas stress siya ng mga tauhan.

Wala namang attitude ang veteran actress. Okey naman itong kasama sa trabaho. ‘Yun nga lang, kapag kinuha raw siya ay kailangang sagot lahat ng production ang kanyang mga pangangailangan—mula sa damit na isusuot niya hanggang sa service vehicle na papunta sa location set.

May kotse naman daw ang veteran actress pero ayaw nitong mag-drive. Kung gagamitin niya ang kanyang sasakyan, kailangan ay i-provide siya ng driver at ang panggasolina niya.

 â€œYun ang mga demands ni veteran actress kung gusto namin siyang kunin.

 â€œHindi naman siya problema sa trabaho, eh. In fact, enjoy siyang kasama. Yun nga lang, mas matrabaho siyang asikasuhin kesa sa mga bida ng show.

 â€œKailangan kada taping niya ay may nakahanda nang wardrobe niya. Tapos ‘yung service vehicle niya kailangan meron talaga, Anytime na kailangan niya, may magagamit siya.

 â€œEh minsan, kulang-kulang kami sa tauhan at ang asikasuhin pa ang mga needs niya, masyado nang abala sa amin,” sey ng source namin.

Kaya nga raw ang ginagawa nila ay sinasagad na nila sa isang taping day ang veteran actress. Imbes na nagiging thrice a week siya, nagiging once a week na lang para menos sa pag-asikaso sa kanya.

“Pero ang bayad naman sa kanya ay pang-thrice a week na taping pa rin.

“Sinasagad na lang namin siya sa isang araw kasi ang hirap na every taping ay hanapan siya ng mga damit niya at ‘yung service vehicle nga. Minsan kasi kailangan ng production ang service at nagagamit ‘yung para sa kanya.

 â€œMas nakakatipid kasi kami sa ganung paraan.

 â€œPero wala namang worry si veteran actress dahil bayad naman siya ng tama kahit once a week na lang ang nagiging taping niya.”

Krista Kleiner may ibang pangalan na naman, pangatlong palit na

Marami ang nagwi-wish na sa ikatlong pagpapalit ng pangalan ng beauty queen-turned-actress/singer ay matatamo na niya ang kasikatan.

Mula sa name na Krissa Mae Arietta to Krista Kleiner at ngayon ay Krista K na ang new name ng former Bb. Pilipinas-International na naging ex-girlfriend nila Polo Ravales at Jay-R.

Kakapirma nga lang daw nito ng recording contract with Universal Records para sa nalalapit na launch ng kanyang debut album na may titulong Feels So Good.

Claim nga ni Krista ay may malakas na fan base siya sa Malaysia at Singapore kung saan ni-launch niya ang kanyang single last year.

Nag-host din kasi ng ilang mga fashion events si Krista sa Malaysia at Singapore kaya kilala na raw siya roon.

Ang naturang album nga ni Krista ay may ten original English songs at tatlong Tagalog songs.

Considered nga na mentor at vocal coach ni Krista ay ang Latino international superstar na si Julio Iglesias dahil sinama siya nito sa kanyang 15-city world tour noong 2010-2011.

Surprisingly, never na mine-mention ni Krista na ang naging mentor at vocal coach din niya ang ex-bf na si Jay-R na siyang nagtiyagang mag-produce ng kanyang album.

Zeta-Jones nag-check in sa treatment center

Nag-check in na nga ang Oscar-winning actress na si Catherine Zeta-Jones sa isang treatment center para sa kanyang Bipolar Disorder.

Ini-expect na mabubuo ng 43-year old actress ang kanyang 30-day program sa naturang treatment center.

Isa raw proactive measure ito para sa naturang sakit ni Zeta-Jones. Noong 2011 ay na-treat din siya sa isang center para sa kanyang sakit. This time ay para naman sa Bipolar II disorder.

 

ACTRESS

KANYANG

KRISTA

KRISTA KLEINER

NAMAN

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with