Manunubang aktres nambiktima na naman, bill na P28K sa resort tinakasan
Ang manunubang aktres strikes again. Aba, nagpasarap siya nang husto sa isang resort. Pagkatapos ay biglang tumakas na hindi binayaran ang kanyang P28,000 bill!
Noong isang taon ay hinabol din siya ng management ng isang condominium. Tumira siya roon ng apat na buwan. Walang malay ang mga empleyado ng condo na hinakot na niya ang lahat ng damit at gamit.
Naglaho ang tila may tagabulag na aktres na hindi man lang nagbabu sa condo. Ilang kaso na kanyang panunuba ang kanyang nagawa?
Jessica Sanchez magpapaka-diva sa Glee
More mature role ang gagampanan ng Pilipina/Mexican singer na si Jessica Sanchez sa bagong season ng Glee. Isang diva siya sa musical TV show at meron pa siyang love interest sa bagong edition ng show.
Bagay naman kay Jessica ang mag-papel na diva dahil pang-diva talaga ang kanyang boses. Ewan lang kung magkakaroon siya ng mga kissing at love scene sa Glee.
Simon Cowell napa-standing ovation sa galing ng Pinay sa Britain’s Got Talent
Binigyan ng standing ovation ni Simon Cowell ang Pinay (whose parents are from Nueva Ecija) na si Arisxandra Libantino nang mag-audition sa Britain’s Got Talent. Ang video na kumanta siya ng One Night Only ay meron na ngayong almost one million hits sa YouTube.
Marami pang British celebrities ang pumuri sa performance ng 11-year-old Pinay. Tiyak na makakasali sa 12 finalists si Arisxandra.
Ligtas mas madali nang maintindihan
Higit na maiintindihan ng lahat ng tao ang booklet na inilabas ni Sen. Loren Legarda at Senate Committee on Climate Change, ang Gabay sa Kahandaan sa Sakuna at Paunang Lunas. Naisalin na ito sa instructional documentary film ng Cannes International Film Festival Best Director na si Brillante “Dante†Mendoza.
May titulong Ligtas, ito na ang pangalawang collaboration ng No. 1 senator at multi-awarded filmmaker after the successful climate change docu, Buhos.
Habang tumatagal higit na umiigting ang sipag at debosyon ni Sen. Legarda sa kanyang climate change advocacy. Narating na niya pati kasuluk-sulukan ng Pilipinas sa pagpapaliwanag tungkol sa phenomenon na nananalanta at nakakaapekto sa buong mundo.
Sa nakalipas na tatlong buwan, nadagdagan pa ang kanyang dedikasyon dahil sa nakita at nadama niyang mga positibong epekto ng kanyang kakaibang programa. Higit na marami na ngayong mga Pinoy ang nagiging sapat na ang kaalaman sa ibayong pagbabago ng panahon.
Nakarating na rin siya sa lahat ng lugar na nasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad na dulot ng climate change. Nakapaglibot na siya upang maghatid na material na tulong at tuluyang magdulot ng kaalaman tungkol sa climate change.
The lady senator is happy and fulfilled that most Filipinos are now aware of climate change, its adverse effects, and the right things to do during disasters it brought about.
Pati nga sa mga paaralan at pamantasan, matiyagang nagbibigay ng comprehensive lectures ang senadora.
Nagkatagpo ang landas nila ni Direk Mendoza sa isang almusal, matapos bigyan ng recognition ng Senado ang Cannes award winner na ang resolusyon ay inihain ni Sen. Legarda sa Senado.
Sa unang tagpo pa lang nila, natututo na nang husto sa climate change ang director at nagpasyang tutulong sa adbokasya. Natapos nga nila ang docu na Buhos at ginawa ang instructional docu na Ligtas. Sa isang linggo, tiyak na kakalat na sa mga nationwide school ang bagong film docu.
Ngayon pa lang, nagpaplano na ang dalawa ng kanilang ikatlong proyekto.
Isang full-length feature film tungkol sa human race of climate change ang gagawin nila. Parehong mabilis at pulidong magtrabaho sina Sen. Loren Legarda at Direk Dante Mendoza. Maaaring simulan na ito after election at posibleng matapos before the year ends. Malay natin baka puwede pa itong isali sa Metro Manila Film Festival.
- Latest