^

Pang Movies

Janine Tugonon na-in love sa bokalista ng bandang The Script na nag-concert sa bansa, boyfriend biglang hiniwalayan!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa guesting ni Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Marie Tugonon at ng boyfriend niyang si Jaypee Santos sa programa ng Queen of All Media na si Kris Aquino na Kris TV kahapon ay marami ang nagulat sa naging revelation ng beauty queen tungkol sa status ng relationship nila ngayon ng kasintahan. All the while ay akala ng lahat ay going stronger ang kanilang relasyon at walang pinagdadaanan. Pero nagkamali ang lahat dahil may problema pala silang dalawa.

Ikinagulat nga ng mga host na sina Kris at John “Sweet” Lapus nang aminin ni Janine ang real status nila ngayon.

“Actually, honestly, ngayon we are not in good terms,” pag-amin ni Janine ng tanungin kung nag-aaway ba sila ni Jaypee.

 â€œWhat happened?” sundot na tanong ni Kris.

 â€œMay mga hindi lang napagkakasunduan,” sagot ni Jaypee,

 â€œSiguro may nangyari lang na hindi ko ini-expect na mangyayari,” dugtong na pahayag ni Janine.

Bigla tuloy naitanong ni Kris kung totoo ang balitang nililigawan si Janine ng lead vocalist ng bandang The Script na si Danny O’Donoghue.

“Hindi ko ‘yon type! Parang we’re talking lang,” sagot ng 23-year-old beauty queen.

Dahil dito, tinanong ni Kris: “’Yon ang pinag-awayan ninyo?”

Sagot ni Jaypee, “Oo.”

 â€œPero ano naman ‘yan... spur of the moment lang,” depensa pa ng dalaga.

At saka inamin ng beauty queen na, “Honestly po kasi, break talaga kami ngayon (ni Jaypee).”

Sa sunud-sunod na pagtatanong nina Kris at Sweet, nabanggit ng boyfriend na hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin si Janine at ang vocalist ng The Script.

Kuwento pa ni Janine, nakilala niya ang Irish singer-songwriter nang mag-concert ang kanilang banda rito sa Pilipinas.

“Nanood kami ng concert kasi ’di ba, sa Araneta may meet and greet? Since kilala ko ang staff ng Araneta, sabi ko sa kanila, ‘Sobra akong fan ng The Script, puwede bang ma-meet ko?’ ’Tapos na-meet niya ako.

“Nandoon siya (Jaypee). Ipinakilala ko nga siya kasi tinanong niya (Danny), ‘Do you have a boyfriend?’

“Sabi ko, ‘Yeah, that’s my boyfriend.’

“Tapos ‘yon, sabi niya, ‘Follow me on Twitter and I will follow you back.’ Nag-direct message siya.

“Oo, talagang nagalit siya (Jaypee) kasi sabi niya, ‘Kung ayaw mo talaga sa taong ’yan hindi mo siya kokontakin,” pahayag pa ni Janine.

Aminado si Janine na siya ang nakipag-break kay Jaypee.

 â€œKasi nga ayaw ko naman na may iba akong iniisip. Parang sabi ko lang sa kanya, siguro I need sometime to think talaga,” katuwiran pa nito.

Sa ngayon, hindi naman pinipilit ni Jaypee na magkabalikan sila ng beauty queen girlfriend.

 â€œGusto niya kasi time pa eh. So, binibigyan ko pa siya ng time,” pag-amin naman ng binata na halatang may lungkot sa kanyang mukha.                                               

vuukle comment

ARANETA

DANNY O

JANINE

JANINE MARIE TUGONON

JAYPEE

JAYPEE SANTOS

KRIS

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with