LT ramdam ang kirot na dala ni Mrs. Burgos
Guest si Mrs. Editha Burgos sa story conference ng Burgos noong Sabado at nakausap namin siya. Kahit tinitiyak ng Korte Suprema na binibigÂyan sila ng seguridad ay may natatanggap pa rin silang death threat.
Pero hindi siya natatakot, bagkus blessing nga at lalo niyang nararamdaman ang kamay ng Diyos na nasa kanilang tabi para lumabas ang katotohanan balang araw sa paghahanap ng katarungan sa pagdukot at pagkawala ng anak na si Jonas nang kaladkarin ito ng apat na lalaki at isang babae sa loob ng mall in Quezon City noong 2007.
Isang simpleng babae si Editha na dating guro sa UP Diliman at asawa ng yumaong peryodistang si Joe Burgos. Sa pagdaan ng mga panahon ay naroon pa rin ang sakit sa pagkawala ng anak.
Pahayag niya, “Mas masakit nga dahil hindi mo alam kung ano ang nangyari sa aking anak. Mabuti pa nga ’yung alam mong patay na siya kaysa naghahanap pa kung ano talaga ang nangyari sa kanya.â€
Third choice lang si Lorna Tolentino na gaganap bilang Editha dahil unang kinunsider si Nora Aunor pero abala ito sa TV5, at ikalawa si Hilda Koronel, pero nasa Amerika naman kaya finally napunta ang karakter kay LT. Labis naman itong ikinatuwa ni Editha dahil tagahanga pala siya ng magandang aktres.
Ano naman ang masasabi rito ni LT?
Ang aktres, ‘‘Isang malaking karangalang mapili ako bilang Mrs. Editha Burgos. Okay lang na maging second choice. Nag-Google ako sa mga tunay na pangÂyayari kay Jonas at nung mabasa ko ang script ay nagandahan ako. Sana’y mabuksan ang mata ng mga tao sa tunay na pangyayari.’’
Naka-relate si LT sa dinaramdam ni Editha bilang isang ina sa pinagdadaanang pagsubok dahil ina rin siya. Napakalaki ng paghanga niya kay Mrs. Burgos lalo na nang ma-meet niya ito at sinabing isang malaking challenge ang proyektong ginagawa nila ngayon.
Magsasamang muli ang tandem nina Ricky Lee at Direk Joel Lamangan kaya inaÂasahang magiging makabuluhan at maÂtindi ang proyektong Burgos.
- Latest