^

Pang Movies

Desisyong paglipat sa TV5 ni Lovi, pahulaan pa rin!

Mary Rose G. Antazo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Palaisipan pa rin sa marami kung matutuloy ang gagawing pag-o-ober da bakod ng Kapuso star na si Lovi Poe sa Kapatid Network. Bagama’t marami na ang nagsasabing mukhang matutuloy ang paglipat na ng dalaga ay tikom pa rin ang bibig ng dalaga sa nasabing balita although kalat na ang tsikang nakapag-decide na nga raw ito.

“Well, the truth is, I’ve already decided. I’m not in a position  to actually disclose anything or say things right now but I just made a decision,” pahayag ng magaling na singer at aktres.

May malaking pagbabago ba na magaganap o magpapatuloy lang kung anuman ang meron siya ngayon?

Balitang tempting talaga ang offer ng TV5 kaya hindi nila ito matanggihan ng kanyang manager na si Leo Dominguez. Marami ring projects ang nakatakda na niyang simulan soon.

“What I said was I already made a decision but it’s not yet time for me to talk about it and I’m not in the position to disclose anything. 

“Let’s just wait na lang. Soon naman eh it’s something that we talked about it. But of course, sa akin naman, it’s something na pinag-uusapan talaga ng mabuti ng manager ko,” sabi ng aktres.

Si Lovi ay mina-manage ni Leo Dominguez, na manager din ni Ogie Alcasid na napapabalita ring lilipat na sa Kapatid Network.

Paano niya tinimbang ang desisyon na ginawa niya?

“It’s hard to say eh. It’s not easy,” tugon ni Lovi.

Ikinalungkot din niya ang hindi niya pagkakatuloy sa teleseryeng Love and Lies na pagbibidahan sana nila ni Richard Gutierrez at napunta ang kanyang role kay Bela Padilla.

“Of course, I wanted to work with Chard. But I’m happy din naman that Bela is doing it,” sabi ni Lovi.

Mas malaki ba ang magiging kapalit nito?

“No, no, no. It’s hard for me to answer. Let’s wait for the decision. Basta for me I’m happy,” sagot niya.

Pero posible ba na mas maraming exciting at magandang mangyayari sa career niya ngayon?

“Of course, I’ve always been excited and I’ve always been inspired and work-driven. Mas lalo ngayon. Mas lalo akong motivated,” sabi ng aktres.

Ano ang mas gusto niya: Mas malaking talent fee o mas magandang proyekto?

“For that question, all of the above!” natatawang sagot ni Lovi.

 

BELA PADILLA

BUT I

KAPATID NETWORK

LEO DOMINGUEZ

LOVE AND LIES

LOVI

LOVI POE

MAS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with