Mga dating sexy star na sina Aya Medel at Via Veloso gusto uling mag-showbiz para magkapera

MANILA, Philippines -  Gustong magbalik-showbiz ng mga dating alaga ni Jojo Veloso na sina Via Veloso at Aya Medel.  Pareho na silang may mga asawa’t anak ngayon pero sabik daw silang muling umarte at kumita at the same time. Si Via ay hiwalay na raw sa sinamahan niyang basketball player.

Tanging si Ana Capri na lang sa kanilang tatlo ang aktibo sa showbiz ngayon. Nasa Dugong Buhay na pinagbibidahan nina Ejay Falcon at Arjo Atayde ng Channel 2 si Ana ngayon.  Balita naming matibay pa rin ang relasyon ni Ana sa matagal na niyang ka-live-in.

Nadia kinokntra ang panalo ni Annabelle

Kahit busy sa bago niyang teleserye sa GMA 7 si Richard Gutierrez at pagpo-promote ng bago niyang movie, may panahon pa rin siyang magpunta ng Cebu para tulungan sa pangangampanya ang pinakamamahal niyang ina, na tumatakbong congresswoman doon.

Naniniwala si Richard na mananalo ang kanyang ina sa Cebu pero ayon naman kay Nadia Montenegro na siyang pangunahing kontra sa hangarin ni Bisaya, mahihirapan daw nitong talunin ang kalaban na incumbent.

 Ay, Inday?!

                                                                                           

Show comments