MANILA, Philippines - Tutulungan ni Anthony Taberna ang isang nanay na mapanagot ang taong aksidenteng nakapatay sa kanyang anak ngayong (Abril 11) sa Pinoy True Stories: Demandahan.
Naglalakad papasok ng paaralan ang siyam na taong gulang na anak ni Rowena na si Allen nang mahagip ng antenna ng rumaragasang jeep ang kanyang backpack. Dahil dito, nakaladkad si Allen ng jeep hanggang siya ay mamatay.
Ayon sa mga pasahero ng jeep, nawalan ng kontrol ang driver nito dahil biglaan itong inatake ng epilepsy.
Sa episode, sasamahan ni Anthony si Rowena sa pagdulog ng kanyang kaso kay Atty. Estrella Elamparo upang malaman kung paano niya mapananagot ang tsuper at mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang minamahal na anak.
Ano ang mga elemento sa kasong makapagpapatunay na nawalan ng ingat ang tsuper? Sa ilalim ng batas, ano ang parusa sa taong mapapatunayang nagkasala ng ‘reckless imprudence resulting in homicide’ o kawalan ng ingat na nauwi sa pagkakapatay sa isang tao?
Tutukan ang Demandahan ngayong (Abril 11), 4:15 ng hapon sa ABS-CBNKapamilya Gold. Subaybayan din ang ibang mga bagong Pinoy True Stories hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng Bistado ni Julius Babao tuwing Lunes, Engkwentro ni Karen Davila tuwing Martes, Saklolo nina Maan Macapagal at Dominic Almelor, at Hiwaga ni Atom Araullo tuwing Biyernes. Para sa updates, sundan ang @PinoyTruStories sa Twitter.