Marvin excited na sa pagalingan ng mga nagka-karinderya
Very thankful si Marvin Agustin sa TV5 dahil sapul nang lumipat siya sa Kapatid Network, almost a year na, nakaka-tatlong project na siya. Una, bilang host sa Artista Academy at ikalawa ay ’di lamang basta isa sa mga host ng Kanta Pilipinas bagkus executive producer siya, at ang pangatlo ay ang Karinderia Wars.
Mapapanood na sa Lunes, April 8, ika-11:45 a.m. bago ang Wowowillie, ang reality show ng mga karinderya owner at araw-araw itong mapapanood. Excited si Marvin sa napiling siyam na contestants na maglalaban-laban sa pagalingan ng pagluluto at pagtitinda. Bongga ang grand winner kasi P1 million na pinaghalong cash at negosyo showcase ang makukuha.
Sabi pa ng actor-TV host-restaurant entrepreneur na mas young looking ang dating ngayon, super happy siya at wala na siyang mahihiling pa dahil bukod sa successful ang kanyang showbiz career at mga negosyo ay wagi rin siyang ama ng kanyang identical twins.
Gelli mami-miss ng mga talakera
Walang itulak-kabigin kung TV hosting ang pag-uusapan kina Amy Perez at Gelli de Belen sa Face to Face. Nang mag-leave si Amy dahil sa panganganak niya, si Gelli ang nag-substitute at maayos namang nadala ang show.
Nakakagulat nga ang performance ni Ateng Gelli dahil nakakasabay siya sa mga away ng masa. Walang takot at bigay taray ang ginagawa niya.
Pero bumalik na nga si Amy kaya magpapaalam na si Gelli at tiyak na mami-miss siya ng mga tagasubaybay ng talak serye. Bago na ang timeslot na sa Lunes din ipapalabas ng 4:30 p.m. Magkakaroon daw sila ng mga exclusive episode at mas matatapang na bangayan na maso-solve rin naman sa tulong ng Trio Tagapayo.
Sarah humble sa success ng ikatlong pelikula kay John Lloyd
Dahil sa lakas sa takilya ng It Takes a Man and a Woman ng Star Cinema at Viva Films, pinag-uusapan ng mga producer na gumawa ulit ng pelikula sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo na si Cathy Molina Garcia uli ang direktor.
Very humble talaga si Sarah, sabi ba naman naka-tsamba lang daw iyon. Hindi yata! Naka-tatlo na kaya kayong box-office hit ni John Lloyd.
Sen. Lito kinilatis ang kabayo na binili sa halagang P220K
’Yung kabayo ni Caloy (JB Agustin) sa Little Champ, ang patok agad na fantaserye kahit iilang araw pa lang sa ere sa ABS-CBN, ay worth P220,000 pala. Nalaman ko ito sa isang reliable source.
Sa Batangas ito binili mismo ni Sen. Lito Lapid na gumaganap namang barangay chairman at kaibigan ni Caloy sa Little Champ. Mahilig kasi sa kabayo ang actor-senator at magaling siyang kumilatis ng uri ng isang kabayo.
Worth it naman daw ang ibinayad sa nasabing kabayo na parang turuan talaga kung umasta. At milyones na pala ang ibinigay nito sa kanyang amo pero hindi na puwedeng mangarera kaya siguro ibinenta na.
- Latest