^

Pang Movies

Marvin ipapasa na ang kaalaman sa negosyong resto

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Bukod sa magbibigay ng inspirasyon sa mga televiewer, marami pang matututuhan sa panonood ng bagong luto-negosyo na Karinderia Wars on TV5, simula sa April 8 (Lunes) 11:15 a.m., bago mag-Wowowillie.

Ang Karinderia Wars ang second venture ng sariling production company ni Marvin Agustin sa Kapatid Network. Nauna na ang reality-talent show na Kanta Pilipinas. Sa bago niyang palabas as producer/host, sinikap nila Marvin na maghain ng kakaibang cooking show.

Kaya sa maraming nag-audition para maging Karin­deria warrior, kailangang higit pa sa husay sa pagluluto, maabilidad din sa negosyo at pagpapatakbo ng kanya-kanyang karinderya. Siyam silang napiling finalists na ang lahat ng sariling kuwento sa buhay at negosyo ay magbibigay ng magandang halimbawa.

Naalala ba ninyo ang dating radio show na Reyna Vicks? Higit pang madrama at komplikado ang kanilang mga kuwento na dagdag na rekado sa kanilang masasarap na putahe.

Si Sharlito ‘‘Sha Sha” Resimolo, galing Mindanao nang lumuwas sa Maynila upang magsimulang katulong sa kusina. Ngayon, isa na siya sa mga most in demand kusinera at pinag-aagawan ng mga may karinderya. Siyempre ang kanyang goal, makapagbukas ng sarili niyang kainan.

Dating model si Aiman Perea, na higit na nagtagumpay sa kanyang karinderya sa Novaliches. Habang tumatagal, lumalaki ang kanilang naipupundar hanggang mabawi sa pagkakasanla ang kanilang bahay at makabili ng sasakyan at mga gamit sa kanilang dating humble eatery.

Ibayo ang pagsisikap ni Mary Jane Anunciacion upang makaipon ng sapat na pera at mabawi ang kanyang maliit na negos­yo sa Pampanga at nakatuon ang kanyang pansin sa pagpapatayo pa ng mga branch sa paglago nito.

Proud naman si Rose Estanol sa pagbubusog niya sa mga iskolar ng bayan sa puwesto niya sa may U.P. Lagi siyang naghahain ng  affordable pero masustansiyang putahe.

Maliit lang ang karinderyang pinaglulutuan ni Vivian Pinlac ng Cavite. Tulad ng ibang finalists na wala pang sariling negosyo. Nag-iipon siya ng sapat na puhunan para sa isa rin maliit na simula.

Ang singing cook na si Cesar Enriquez, tila isang complete performance ang pagluluto ng bawat putahe. Dapat matikman ninyo ang kanyang kare-kare at sisig.

Ang Indian na si Aashi Mirpiri, marami ng mga stall sa mga sosyal na lugar sa Makati City. Habang nadagdagan ang kanyang puwesto, lalo siyang nagiging kilala sa pagluluto ng chicken curry at iba pang putaheng Bumbay.

Tapos ng HRM si Rona dela Rosa at nagmana siya ng husay sa kusina sa kanyang mahal na ina. Nagsimula sa pag­ra­rasyon ng mga snack item, isa ng leading kusinera si Rona.

Nag-aral sa UP Conservatory of Music at naging DJ sa Cebu si Agot Evangelista. Maunlad na sana ang kanyang maliit na negosyo pero tinapatan siya ng isang popular fastfood chain kaya bigla siyang nagsara.

Umaasa ang mga bumubuo ng Karinderia Wars na ang business acumen ni Marvin Agustin ay matutuhan nila. Kaya naman pinag-aral din silang lahat ng wastong pagne-negosyo at kung paano makakaakit ng mas maraming customers. Sa bandang huli, sino ang pinakamalaking kita ang maaaring magwagi ng mahigit na P1 million prize, in cash and in kind?

Sabi nga ni Marvin, marami pa ang gustong magbigay ng papremyo kaya’t lalaki pa ito bago matapos ang siyam na linggo nila sa ere.

Aktres kung anu-ano na ang nilalako matustusan lang ang bagets na BF

Kung anu-anong bagay ang nilalako ng isang dating aktres sa kanyang mga dating kasamahan upang kumita at matustusan ang kanyang young boyfriend. Ang mga kapwa artista, bumibili naman, kahit hindi nila kailangan, upang makatulong.

Kilala ang dating artista sa pagpatol kahit sa mga be­king co-stars. Pati married actors, na hindi naman pogi, pinapatos.

AASHI MIRPIRI

AGOT EVANGELISTA

AIMAN PEREA

ANG INDIAN

ANG KARINDERIA WARS

KANYANG

KARINDERIA WARS

MARVIN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with