Doraemon mapapanood na tuwing umaga sa GMA

MANILA, Philippines -  Simula ngayong Lunes, March 25, muling makakasama ng mga Kapuso viewer tuwing umaga ang paboritong cartoon character na si Doraemon at ang kanyang mga kaibigan sa mga out-of-this world adventure.

Mapapanood na ang pagdating ni Doraemon na siyang magiging kasama si Nobita Nobi sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Ipinadala si Doraemon ni Sewashi, ang great great grandson ni Nobita upang masiguro ang magandang kinabukasan ng kanilang lahi.

Alamin kung sinu-sino ang mga makakasama nina Doraemon at Nobita sa kanilang mga adventure. Matulungan kaya ni Doraemon si Nobita? Mabago pa kaya ni Doraemon ang kapalaran ng pamilya ni Nobita?

Mapapanood na ang Doraemon mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Unang Hirit sa GMA 7.

 

Show comments