Richard nakita kay Marian ang pagiging palaban!

Kahit alam na ng mga press na committed na pareho ang mga bida sa My Lady Boss na sina Richard Gutierrez at Marian Rivera, hindi pa rin sila makapigil magtanong. Si Richard ang tinanong nila kung sakali ba na wala si Sarah Lahbati, liligawan niya si Marian, total naman kitang-kita na malakas ang chemistry nila on and off the camera.

 â€œAng totoo, nakikita ko kay Marian ang mommy ko (Annabelle Rama), palaban pero sweet, maalaga, mabait,” sagot ni Richard. â€œKung nakikipag-away man siya, may reason, pero deep within, she has a good heart. Ganyan si Marian, walang dull moment sa amin sa shooting, laging masaya, kahit puyat, hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng energy. Dahil comfortable na kaming magkasama, kahit matagal din ang five years bago nasundan ang first movie namin, muling nabuo ito nang mag-host kami ng Extra Challenge, tapos sinundan na nitong movie namin under Jade Castro.”

 â€œYes, kami ni Richard, walang itinatago sa isa’t isa,” sagot ni Marian. â€œAt siguro, nakatulong sa amin iyong nag-mature na kami kaya bago pa kami nagsimulang mag-shooting, nag-usap na kaming kahit anong hingin ni Direk Jade, gagawin namin. Kaya iyong intriga na marami kaming kissing scenes ni Richard, totoo iyon, pero hindi kami nagbibilang, kasi may kissing scene na kaila­ngang iba-ibang anggulo, pero tuwing gagawin namin iyon, hindi kami si Richard at Marian, kami sina Zach at Evelyn, ang characters namin sa movie. Sa ngayon ang talagang naka-kissing scene ko pa lamang sa movie, sina Dong (Dingdong Dantes), Dennis (Trillo), at Richard.”

Paano iyong may nagagalit daw sa pakikipag-kissing scene niya at baka magselos si Dingdong? “Kung minsan, mga tao na lamang ang nagbibigay ng kahulugan sa mga nangyayari. Siguro naman, as long as alam mo kung saan ka nakalugar doon sa inyong relationship, bakit kailangang may selosan? Bilang mga artista, part ng trabaho naming gawin kung ano ang hinihingi ng aming role.”

Kasama pa rin sa movie sina Rocco Nacino, Ruru Madrid, Dion Ignacio, Sef Cadayona, Tom Rodriguez, at may special participation sina Ronaldo Valdez, Sandy Andolong, at Maricel Laxa-Pangilinan. 

Sa April 10 ang showing ng My Lady Boss in theaters nationwide. Pero may premiere night sila sa April 9 sa SM Megamall Cinema 10.

 

Show comments