Mukhang wala nang makuhang Pinoy model sa hanay ng ating mga sikat na celebrities kaya’t foreign artists na wala pang masyadong malaking name sa kanilang sariÂling bansa ang pinagbabalingan.
Siyempre kung hindi pa sikat, morayta (mura) ang talent fee pero higit na malaki pa rin ito sa ibinabayad sa Pinoy actors dahil sa US dollars ang bayad sa kanila.
Ang latest Bench endorser na si Liam HemÂsworth, ni hindi nga alam kung meron siyang fans sa Pilipinas. Pero tinanggap pa rin niya ang mag-endorse ng Bench. Dahil wala namang kumukuha sa kanya sa Tate para sa ganitong trabaho.
Ang Pinoys fans naman, basta’t puti at napapanood sa mga lumang show sa TV, kilig na kilig na, kahit na nawawalan ng endorsing job ang mga kababayang artista dahil sa mga banyagang madaling kuning modelo dahil hindi naman busy sa Amerika.
Starlet na boba sa aktingan, mas bagay na pipi’t bingi!
Ang mungkahi ng isang insider. Ang ibigay na role sa bobang starlet sa susunod niyang teledrama, pipi’t bingi. Isang maigsing linya kasi, mahigit sampung beses ang take, hindi pa rin makuha ng tama.
Uminit tuloy ang ulo ng kaeksenang aktres pero napigilan pa ring tayaran at laitin ang starlet na C.O.D (cause of delay). Say nga ng aktres, kapag ganito ka-boba ang kasama sa eksena, baka abutin palagi ng magdamag!
Cristine sumusumpang hindi mai-in love kay Robin
Tiniyak ni Cristine Reyes na hindi siya mai-in love kay Robin Padilla, ang kanyang leading man sa susunod niyang assignment.
“May asawa na siya at hindi na talaga puwede. Kung single pa si Robin, why not?â€
Nangingiti kayo. Surely, alam na ninyo ang mga nakasama ni Robin na type pa rin ang aktor na lubhang malakas ang appeal kahit alam na ng chicks na meron na siyang Mariel Rodriguez.
Kung alam ng mga rich beki na pumapatol din sa mga baklita si Binoe, tiyak pagnanasaan din siya ng mga kafatid.
John Lloyd humihirit pa ng pang-apat na pelikula kay Sarah, patok kahit walang relasyon
Nanghihinayang si John Lloyd Cruz sa kumakalat na last teamup na nila ni Sarah Geronimo ang It Takes a Man and a Woman. Nag-enjoy siya nang husto sa kanilang dalawang pelikula, kaya’t ang hiling ng actor ay magkaroon pa ng pang-apat na chapter ang istorya ng romansa nina Miggy at Laida.
Napaiyak pa si Loydie nang gunitain ang masasayang sandaling kasama niya si Sarah G. sa mga naunang pelikula. Isang magandang halimbawa ng mga movie na kahit hindi gumimik na may namagitang tunay na romansa sa dalawa ay naging record-breaking blockbusters.
’Yun namang ibang pelikula na pinipilit na merong affair ang mga bida, lalo namang nag-flop sa takilya. Pero ayaw pa ring tigilan ng mga bobitang drumbeater ang mga panloloko sa tao, kahit ayaw nang kagatin.
Michael Bublé excited na maging tatay
Higit na excited si Michael Bublé sa pagiging ama very soon, sa anticipated sales ng kanyang bagong plaka. Buntis ang kanyang misis na si Luisana Lopilato na pinakasalan niya noong 2011.
Magiging tatay na si Michael, kaya tiyak na maglalaho ang mga dating tsismis tungkol sa singer.
Oprah pinaka-maimpluwensiya sa Amerika, sumunod lang sina Spielberg at Eastwood
Si Oprah Winfrey ang napiling America’s most influential celebrity for the second year. Runner-up niya sina Director Steven Spielberg at actor/director Clint Eastwood.
Malayo ang agwat niya sa ibang TV stars na kasali sa listahan, tulad ni Barbara Walters.
Kim inggit sa chopper ride kaya galit pa rin kay Maja?!
Mukhang pakiramdam pa rin ni Kim Chiu inahas ng kanyang best friend na si Maja Salvador ang kanyang former boyfriend na si Gerald Anderson. Ayaw pang makipagbati ni Kim kay Maja, lalo pa’t makakarating sa unang girlfriend na maligayang-maligaya sina Maja at Gerald.
Ibig din kayang sabihin nito, hindi masaya si Kim kay Xian Lim? Mas enjoyable kaya ang chopper ride kaysa sumakay sa yacht?