Mas madalas na pala si Charlene Gonzales sa Camarines Sur ngayon dahil tinutulungan nga niya ang asawang si Aga Muhlach, who is running for congressman in the province’s fourth district. Lalo na sa pangangampanya ni Aga.
Tuwing Sabado na raw lang siya bumabalik ng Maynila, para nga sa kanyang programang The Buzz, with Boy Abunda and Toni Gonzaga, every Sunday.
Kung sabagay, magaan na ang biyahe niya, and, of course, Aga, kung kailangang bumalik ng huli ng Maynila dahil may sarili na silang helicopter. Si Charlene, ang nag-aasikaso na muna kina Atasha at Andres, their twins na kapwa nag-aaral dito.
Ayon kay Charlene pa rin, nakakahinga na silang maluwag na mag-asawa dahil lahat nga naman ng kasong isinampa sa husgado ng mga gustong humadlang sa magandang hangarin ni Aga na mapagsilbihan ang mga kababayan sa 4th District ng CamSur ay na-resolve na.
‘‘Prayers, plus ang magandang intensiyon, really work,’’ susog pa ni Charlene.
Isabelle hindi pa rin alam kung itutuloy pa ang pag-aartista
John Lloyd Cruz became emotional as he answered a question na itinanong sa kanya ng entertainment columnist na si Jun Nardo kung anong lesson ang natutunan niya sa kanyang role sa pelikulang It Takes a Man and a Woman, third team-up nila ni Sarah Geronimo.
Their first two films together, as we all remember was directed both din by Cathy Garcia-Molina, were A Very Special Love and You Changed My Life.
John Lloyd as Mickey is driven, sobra ang ambisyon to get to the top, hoping to be admired and to be liked.
In time, he discovered that all one has to be admitted, much less, to be liked is merely to be good.
Indeed, a lesson we should all learn as indiviÂduals.
Nearly four years na pala nang muling itambal sina John Lloyd at Sarah sa kanilang pangalawang pinagsamahan, ang You Changed My Life. Kaya natural din na maraming nabago sa dalaga, not just sa kanilang personalidad, kung hindi sa pamamaraan ng pagsagot nila sa mga tanong ng entertainment press during the presscon.
The two obviously have learned to analyze first carefully ang mga itinatanong sa kanila bago ang mga ito sa kanilang sagutin.
No wonder na ang mga naging kasagutan nila sa bawat tanong asked of them, na mostly interesting and relevant, were all admirable and equally pertinent.
Kahit ang direktor nilang si Direk Cathy agreed to this observation ng entertainment press. Binanggit niya tuloy na may pagÂka-mature ang role na ginaÂgamÂpanan ng dalawa sa It Takes a Man and a Woman.
The film ends with them getting married.
Isabelle Daza, elder of the two daughters of former Miss Universe Gloria Diaz and her estranged husband, Bong Daza, is introduced in the movie.
A reluctant star, Isabelle said that what proved as a big come on for her to agree to do It Takes a Man and a Woman is the team-up nina John Lloyd at Sarah, which she said she admires so much. Fan daw siya of the two, lalo na ni John Lloyd.
In the movie, Isabelle is the third party sa love story nina John Lloyd at Sarah.
Equally as pretty as her mom, although taller, ’di pa sigurado si Isabelle kung patuloy na ba itong kanyang pag-aartista.
Yes, sa movie. Bilang TV star, Isabelle is under contract to GMA 7.
At Takes a Man and a Woman, a production of Star Cinema, is earmarked for exhibition on Black Saturday, March 30.