Jolina umamin, mas gustong unahin ang bahay kesa magka-baby

Mahigit nang isang taong nag­sasama bilang mag-asawa sina Jolina Magdangal at Mark Es­cueta pero hanggang ngayon ay ’di pa nabibiyayaan ng anak. Inu­una muna ng dalawa na magkaroon ng sariling bahay somewhere in Quezon City.

“Hindi pa siguro ipinagkakaloob sa amin ang aming magi­ging anak.

“May time pa para makapagpagawa muna kami ng bahay. Kahit simple lang ito gusto kong dito lumaki ang aming pamilya,” aniya.

Kasama si Jolens sa Mundo Mo’y Akin kung saan challenging ang role na kanyang gagampanan bilang ina ni Alden Richards. Kahit hindi pa niya nararanasang maging nanay sa tunay na buhay.

Natutuwa nga ang aktres na maging nanay ni Alden sa teleserye dahil konti ang age gap nila ng aktor.

Cristalle close talaga kay Derek

Kabilang sa mga alaga ng JLD Talent Management ni Jojie Dongcong sina Derek Ramsay at Cristalle Belo Henares. Inili-link ngayon ang dalawa sa isa’t isa. Endorser kasi ng Belo Medical Group ang aktor na pinamamahalaan ni Cristalle kaya itinukso sila sa isa’t isa.

Loveless ang dalawa pero, ayon sa dalaga, malapit silang magkaibigan ni Derek. Nang magkahiwalay sina Angelica Panganiban at Derek ay kung ka­ni-kaninong babae na-link ang aktor samantalang na­­hiwalay naman si Cristalle sa boyfriend niyang miyembro ng Azkals football team bago mag-Pasko.

Enjoy sina Derek at Cristalle bilang magkaibigan at natatawa lang kapag naririnig ang balitang nagkakamabutihan sila.

Rumaratsada nang husto ang career ni Derek ngayon dahil bukod sa rami ng komersiyal ay nagre-rate pa ang kanyang teleseryeng Kidlat. Si Cristalle naman ay successful din sa negosyo.

 

Show comments