^

Pang Movies

Thy Womb ipinapanood ni Sen. Loren sa mga diplomat!

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Well-attended ang special screening ng Thy Womb sa Podium Cinema kamakailan, hosted by Sen. Loren Legarda. Kabilang sa mga nanonod ang members of the diplomatic corps, leaders from the academe, business executives, young professionals, and media people.

Dumalo si Direktor Brillante Mendoza na muling magdidirek ng isang documentary film tungkol sa environment and climate change, again to be produced by Sen. Legarda.

Laging nasa puso ng mga Pinoy si Sen. Loren dahil sa kanyang tunay na malasakit sa environment at natural resources upang higit na pakinabangan ng mga mamamayan at matirhan ng ligtas sa panganib o anumang sakuna.

Kaya naman si Sen. Legarda lang ang tanging lady senator na nag-top sa elections ng dalawang beses. Sa Mayo, siyang muli ang No. 1 sa survey kaya siguradong topnotcher siyang muli.

Ang mga batas na naisulat niya at naipasa ay tunay na para sa kapakinabangan ng nakararami. Marami na siyang nailabas na mga booklet, docu films, at maging full-length movies na tuwirang tumutukoy sa mga problema sa climate change at conservation of natural resources and the environment.

Sa 30 years, nanatili ang kanyang kasipagan upang maabot ang mga tao at malaman natin ang mga mahahalagang bagay tungkol sa climate change at iba pang concerns para maging ligtas at maunlad ang mamuhay sa buong Pilipinas.

Ang kanyang pag-host nang pagpapalabas ng Thy Womb ay isa na namang halimbawa ng kanyang gawain upang higit nating maunawaan ang likas na kagandahan ng mga malalayong probinsiya tulad ng Tawi-Tawi.

Pagkatapos ng palabas, higit na hinangaan ng foreign diplomatic corps at ng dalubhasang educators ang ating bansa. Sabi nga nila, the Philippines has so much to offer to all its citizens and to foreign visitors as well.

Sa screening, nabigyan pa kami ng booklet na Gabay sa Kahandaan sa Sakuna at Paunang Lunas. Very informative ang libro na inilabas ng Senate Committee on Climate Changes, sa pamumuno ni Sen. Loren. Dapat lahat ng pamilya ay magkaroon ng kopya nito na ipinamimigay ng libre.

Mga nakokolekta, ibinubulsa Showbiz personality nakakalikom ng donasyong pera at food supplies PARA sa pasyon, tinitipid naman ang mga bisita

Panahong muli ng mga pabasa ng mahal na Pasyon ng Panginoong Hesukristo at marami rin namang mga artista at taga-showbiz na nagpapabasa sa Kuwaresma. Isa ito sa traditional ways of celebra­ting the Kenosis of the Lord Jesus Christ.

Baka malapitan kayo ng isang showbiz personality na nanghihingi ng abuloy, para sa kanyang sariling pabasa. Say ng mga insider taun-taon, ginagawang hanapbuhay ng showbiz character ang panghi­hingi ng donasyon.

Marami siyang nalilikom na pera at iba’t ibang supplies tulad ng kape, gatas, asukal, cooking oil. Kapag nakadalo sa kanyang pabasa, tipid na tipid naman ang pagkaing inihahain para sa mga bisita. Sa oras na magdamag na bumabasa ng Pasyong Mahal puro matabang na kape lang ang dulot sa mga tao.

Hindi man lang maghain kahit ng nilagang itlog o sandwiches, tulad ng nakagawian sa halos lahat ng pabasa.

Paano, binubulsa lang niya ang mga abuloy. Pati mga gamit na nakolekta puwede na niyang supply for the rest of the year!

Paolo kilala at sikat na

Isa sa mga paborito at kinagigiliwang talents si Jojie Dingcong ay si Paolo Ballesteros. Bukod kasi sa mahusay siyang mag-host at umarte, magiliw siya sa mga tagahanga at pati na sa entertainment press.

Nakilala at sumikat nang husto si Paolo bilang isa sa mga host ng Eat Bulaga. Kasama siya sa Dabarkads sa inaabangang Juan for All, All for Juan portion ng leading daily noontime show.

Apo si Paolo ng National Artist for Painting na si Fernando Amorsolo. Hindi lang namin alam kung ang kanyang pamilya ay merong kopya ng mga da-kilang obra ng lolo niyang pintor.

Lumabas na siya sa mga TV at print at nagwagi na bilang Best New Male Artist sa PMPC Star Awards for TV, noong baguhan pa lang siya.

Bilang aktor, hinangaan na rin si Paolo sa mga teledrama.

BEST NEW MALE ARTIST

CLIMATE CHANGES

DIREKTOR BRILLANTE MENDOZA

EAT BULAGA

FERNANDO AMORSOLO

ISA

JOJIE DINGCONG

THY WOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with