Cristalle Belo, ipinahinga ang Henares nang showbiz!

Cristalle Belo na ang showbiz monicker ng daughter ni Dr. Vicki Belo, simula nang maging ta­lent ng JLD Talent Management & Imaging Expert. Kaya maraming naintriga kung bakit hindi na niya ginamit ang tunay na family name na Henares.

Sa party hosted by Jojie Dingcong, humanga kami sa husay magsalita ni Cristalle habang kinukumbinsi kami tungkol sa bagong product ng Belo Medical Group na Sun Expert Mist. Kung nandun kayo, tiyak na bibili na kayo agad ng Sun Expert, isang very refreshing aid ngayong tag-araw.

Ang husay sa pagsasalita ni Crystalle ay namana niya sa kanyang uncle na si Ronnie He­nares (Hilarion Henares III). National champion sa Voice of Democracy (VOD) oratorical contest ang talent manager/TV personality.

Super hirap makalusot sa VOD contest. Dapat magwagi ka sa district, provincial, or city at regional level bago makasali sa national finals. Tinanghal na national grand champion si Ronnie at isa sa mga national finalist that year was the multi-awarded broadcaster Tina Monzon-Palma!

Nakababatang kapatid ni Ronnie si Atom Henares na daddy nina Cristalle at filmmaker Quark Henares. Bata pa sina Ronnie at Atom nakakapasyal na ako sa kanilang bahay, na mistulang mini-art gallery. Sa kanilang simpleng residence ang mga nakasabit na paintings ay gawa nina Amorsolo, Hidalgo, Legaspi, at iba pang bantog na pintor and National Artists! Sa mga art treasure pa lang, sasabihin na isang mabunying angkan ang mga Henares.

Kaya pati kami nagulat nang maging Cristalle Belo na ang pangalan ng magandang daughter ni Dr. Vicki.

Kahit kami, hindi namin matukoy ang dahilan. Ang tiyak ay magkakaroon ng mga TV hosting job si Cristalle in the near future. Leave it to Jojie Dingcong.

Mara Lopez nagtitipid, puro ukay-ukay ang mga damit

Kahit isang international actress ang daughter ni Maria Isabel Lopez na si Mara Lopez, hindi siya nahihiyang magsuot ng damit na nabili sa ukay-ukay. Magaganda naman ang UK collection at tunay na imported pa!

Ang kanyang hilig sa beach, nakuha ni Mara sa kanyang daddy na si Hiroshi Yokohoma, isang Japanese photographer/surfer.

Saka sa mga indie film naman siya nagiging lead actress na hindi malaki ang talent fee. Kailangan pang magtipid ni Mara at hindi magpabongga sa mga signature at ibang expensive na gamit.

JM wala pa ring trabaho sa Kapamilya

Gustong itama ni JM de Guzman ang kumalat na maling tsismis na sobra ang kanyang depression nang biglang ma-cancel ang teledrama na Ange­lito, Ang Batang Ama (Ikalawang Yugto).

Paliwanag ng young actor, natural lang na na­lung­kot siya pero ang kanyang pagdaramdam ay sandali lang. Agad naman siyang naka-recover dahil ma­rami pa naman ang pagbabalingan ng kanyang talent at youthful energy.

Kahit wala pa silang bagong trabaho from his home network, maganda pa naman ang relasyon niya sa kanyang Kapamilya.

Isa pang nakaapekto kay JM ay ang chika na nag-break na sila ni Jessy Mendiola. Wala namang makitang bakas na apektado si JM.

Young actor nabasted ng ilang beses ng mga starlet, sa bading na nakipagrelasyon

Nagugulat naman kami sa isa pang young ac­tor na nabasted ng ilang beses ng mga starlet na tinangka niyang ligawan.

Mukhang walang ap­­peal sa opposite sex ang young actor. Kaya naman pala isang rich gay ang sinasabing karelasyon niya ngayon.

 

Show comments