Danny Zialcita pinanghihinayangan
Nakakalungkot namang pumanaw na si Direk Danny Zialcita. Kinikilala si Direk bilang isa sa pinakamahuhusay na direktor sa Pilipinas. Kinikilala rin siyang paboritong direktor ng big stars. Naidirek niya sa pelikula si Nora Aunor, ang movie queen at gobernadora ng Batangas na si Vilma Santos, at siya rin ang nagdirek ng kauna-unahang pelikula ng Megastar na si Sharon Cuneta.
Progresibong director si Direk Danny at marami siyang ideya at formula para sa isang pelikula na makatitiyak na iyon ay magiging isang box-office hit. Marami ngang mga tao na kung minsan hindi naman nakakapanood ng kanyang pelikula pero basta tinanong mo ay sasabihin sa iyong maganda iyon at hit iyon dahil “Danny Zialcita ’yan.â€
Noon ngang magkasakit si Direk Danny, natigil siya sa paggawa ng mga pelikula, pero marami pa ring umaasang mga artista na gagaling siya at isang araw ay maididirek sila ng mahusay na direktor. Sinasabi nilang ang maranasan mo lang kung paano ka idirek ni Direk Danny sa kanyang mga pelikula ay malaking bagay na.
Nakakahinayang nga ngayong siya ay wala na. Kung nabubuhay pa siguro kahit na paano ay makakatulong pa rin siya sa industriya. Hindi man siÂÂÂguro niya magawa kung ano ang dapat niyang gawin, at least, nakapagbibigay siya ng inspirasyon sa marami pang mga artistang humahanga sa kanya.
Maging ang mga kapwa niya direktor ay kinikilala ang kanyang kahusayan. Marami ang nagsasaÂbing sayang at nagkasakit nga siya at namatay.
JLD Talent management malaki ang dapat ipagpasalamat
Kung iisipin mo, talaga namang napakaraÂming ipagpasalamat ng JLD Talent Management ng beteranong talent manager na si Jojie Dingcong.
Noong nakaraang taon ay sumikad na bigla ang career ni Derek Ramsay. Isipin ninyong matagal ding mabagal ang takbo ng kanyang career ’tapos ay biglang box-office king nga. Biglang angat din naman ang career ni Matteo Guidicelli. Sunud-sunod ang projects ni Paolo Ballesteros at napasok sa Star Magic Circle si Alex Diaz.
Nananatiling No. 1 sa skin care ang Belo Medical Group na ilang taon na rin pala niyang client at tumataas na rin ang career ng iba pa niyang mga alaga. Kaya tama lamang ang ginawang pasasalamat ni Jojie. Isa na nga ang kanyang thanksgiving party for the press. Halos lahat ay naroroon, at masaya nga ang lahat, hindi dahil sa kung ano pa man, kung di dahil sa magandang pakikitungo sa iyo ng lahat ng mga naroroong taga-JLD.
May comment pa nga na maayos ang food kasi sa totoo lang ay may press conferences na hindi ka na lang kakain dahil alam mong ang pagkain nila ay ex-deal palibhasa, kaya kung anu-ano lang. Doon sa party ng JLD, isa iyon sa mga bagay na siniguro nila, na okay ang food.
Masaya nga ang party nila at bongga talaga.
- Latest