^

Pang Movies

Young Actor pinahahatiran sa show ng espesyal na pagkain ng tv executive!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Kuwento ito ng isang friend tungkol sa dalawang young actor 1 and 2.  Si YA 1, tuwing may taping ng kanyang show, may dumarating na food for lunch, minsan for dinner. Kasama niya sa taping si YA 2 na kapag dumating na ang food ni YA 1 ay madalas niyang binibiro na i-share naman sa kanya. 

Ayaw ni YA 1 kasi magagalit daw ang isang TV executive na nagpapadala nito kapag nalamang isini-share niya sa iba ang special food na para lamang sa kanya. 

Hindi na lamang kumikibo si YA 2 dahil baka isumbong siya sa TV executive ni YA 1.

Bianca naiirita na kapag nakukumusta si John

Understandable kung medyo naiirita na si Bianca Manalo sa pagkumusta sa kanya kung naka-move on na siya after ng breakup niya noon kay John Prats. Sa thanksgiving lunch na bigay ng manager ng JLD Management na si Jojie Dingcong, para sa mga press, ilang beses kasi siyang tinanong kaya sagot niya ay naka-move on na siya dahil one year ago na silang wala. Loveless siya pero happy dahil hindi siya nawawalan ng project dahil sa JLD. 

Kasama siya ngayon sa afternoon rom-com series na Kahit Konting Pag­tingin with Sam Milby, Angeline Quinto, at Paulo Avelino.

Pero hindi lamang mga artista ang nasa pangangalaga ni Jojie dahil nag-attend din ang tinutulungan niyang maging konsehal muli sa Bacolod, si Councilor Carl Lopez, si Raymond Yap na bukod sa apo ng may-ari ng isang diyaryo ay nasa restaurant business din. Matagal na ring katrabaho ni Jojie si Cristalle Belo ng Belo Medical Group, si Anton del Rosario ng Philippine Azkals, at PLDT finance wiz Chaye Cabal-Revilla (wife of Bacoor City Mayor Strike Revilla).

Present din ang isa sa original talents ng JLD, si Paolo Ballesteros na napagalitan daw ni Ms. Malou Choa-Fagar dahil hindi siya nakapag-report sa Eat Bulaga. Napapanood ngayon si Paolo bilang si Warla na kakampi na ni Derek Ramsay sa Kidlat. Na-late naman ng dating si Derek na umaga na raw natapos sa taping ng Kidlat ng TV5.

Pinakabago namang talent ng JLD si Alexander Diaz na ipi-present na sa Sunday, March 17, sa ASAP kasama ng 2013 Star Magic. Ang iba pang nagpasaya, habang nagpapa-raffle ng prizes, ay sina Matteo Guidicelli na kinailangang magpaalam agad dahil may taping ng Precious Hearts Romances Paraiso. Soon, magri-record si Matteo ng isang major record album na ipo-produce ng JLD na si Louie Ocampo ang album producer. Also present sina John James Uy, Edward Mendez, at Gerard Sison.

vuukle comment

ALEXANDER DIAZ

ANGELINE QUINTO

BACOOR CITY MAYOR STRIKE REVILLA

BELO MEDICAL GROUP

BIANCA MANALO

CHAYE CABAL-REVILLA

COUNCILOR CARL LOPEZ

CRISTALLE BELO

DAHIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with