Superstar inisnab ni Sen. Lito Lapid!
Natuwa naman kami at nanalong best actress ang isa sa aming mga paboritong aktres na si Angel Locsin. Actually, kahit na noong nakaraang film festival ay siya talaga ang bet namin para manalong best actress.
Pero sabi na namin, sa pakakapanalo ni Angel Locsin sa Star Awards For Movies, kawawa naman ang dating Superstar na si Nora Aunor. Dahil hindi ba sinasabi nga niyang nagsisikap siya kahit na sinasabing ang pelikula niya ay inaalis sa mga sinehan at pito lang ang nanonood, dahil alam niyang makabuluhan ang pelikula niya? Eh kung ganyan na natatalo pa siya sa awards, paano na? Dahil sa nangyaring ’yan, bagsak na ang pangarap ng ilan pa niyang fans na natitira na mananalo siya ng grandslam eh tinalo na siya ni Angel eh at ang balita namin lampaso pa nga siya sa boto.
Ito namang PMPC (Philippine Movie Press Club), hindi na nagdalang habag doon sa matanda na nagsisikap na makagawa pa siya ng “mahuhusay na pelikula,†kahit na wala naman yatang nagkagusto bukod sa kanilang dalawa ng direktor niya at ilang loyal friends niya that includes German Moreno. Nagbalik pa naman siya agad, obviously, para personal sanang tanggapin ang kanyang award. ’Tapos wala naman pala.
Hindi rin naman siya nakapagpagamot sa US. Kaya wala pa rin siyang concert. Hindi matutuloy ang kanyang concert na Thy Throat (Sa Iyong Lalamunan) dahil hindi pa naman yata sila nagkakausap ng doktor na umopera raw kay Julie Andrews at nagpabalik ng boses ng veteran singer-actress.
Nagbibiruan nga sila, makakakanta lang si Julie Andrews kung tatakbo siya sa ibabaw ng bundok at sa tuktok ay bubunghalit siya ng Sound of Music. Eh ano naman ang gusto nilang sabihin, pupunta pa si Nora sa istasyon ng tren sa Bicol at doon kakanta ng Rosas Pandan?
Bukod sa pagkatalo kay Angel, ‘inisnab’ pa siya ni Sen. Lito Lapid na... pinagkalooban nila ng Nora Aunor award.
Kawawa talaga.
Mariel nakikisimpatiya kay Robin kahit walang naiintindihan sa usaping Muslim, peligro ang ginagawa!
Sa totoo lang, ilang na ilang kami nang makita namin sa telebisyon si Mariel Rodriguez na kasama ng mga kababaihan ng Sultanato ng Sulu. Una, alam naman nating hindi naman taga-Sulu si Mariel at lalong hindi naman siya Muslim. Siguro ginawa lang niya iyon bilang pakikiisa sa simpatiya ng kanyang asawang si Robin Padilla sa sultan ng Sulu na ninong naman niya sa kasal nila ni Liezl Sicangco. Ewan kung alam ba ni Mariel ang peligro ng kanyang ginagawa.
Kung kami naman si Robin, sa sitwasyon ngayon ay pababalikin na namin si Mariel sa Maynila, after all, ang sinasalihan niyang ipinakikipaglaban ay hindi naman niya lubusang naiintindihan dahil hindi pa siya ipinapanganak nang unang pagtalunan ang gusot doon.
TV host kung kelan tumanda saka nasira ang diskarte sa buhay
Pinag-uusapan nila ang isang TV host. Bakit daw ba kung kailan pa iyon tumanda at saka pa nasira ang diskarte sa kanyang buhay? Hindi naman namin maintindihan sa mga nagsasabi ng ganun kung paano nasira ang kanyang diskarte.
Baka naman gusto lamang lumigaya ng matanda sa mga panahong ito na siya ay semi-retired na.
- Latest