May cut-off time pala si Sunshine Dizon sa taÂping ng Mundo Mo’y Akin. Hanggang 2:00 a.m. lamang ang taping niya porke uuwi pa siya sa Pampanga dahil dito naniÂnirahan ang kanyang pamilya.
Mas mabuti yata na maghanap si SunÂshine ng condo unit o apartment sa MeÂtro Manila para hindi siya mahirapan sa pagbiyahe sa malalayong lugar.
Hindi maiiwasan na abutin ng umaÂga ang taping ng mga teleserye lalo na kung pang-primetime ito. Sa paÂroo’t-paÂrito pa lang na biyahe, pagod na si Sunshine dahil may kalayuan din ang Pampanga.
Uwian din sa Pampanga si Sheena Halili pero magkaiba ang kaso nila ni Sunshine. Dalaga si SheeÂna at may dalawang anak naman si Sunshine na kailaÂngan ng kanyang alaga.
Pagso-sorry ni Paulo tinanggap na ng Enpress
Matunog na “my friend†na ang tawag ni Jun Nardo kay Paulo Avelino pagkatapos ng pag-uusap nila kahapon sa shooting ng The Bride & the Lover.
Nag-sorry na si Paulo kay Jun bilang ito ang pangulo ng Entertainment Press Society (Enpress). Nagsalita kasi si Paulo na mahirap magtrabaho nang napilitan lang nang mahilingan siya ng Enpress members na mag-present ng award sa Golden Screen Awards for Television.
Pinanindigan ni Paulo na nagbibiro lamang siya pero hindi naniwala ang Enpress. Ang sabi naman ng mga cameraman ng Startalk, hindi nagbibiro si Paulo dahil na-witness nila ang buong pangyayari. Hindi na mahalaga kung nagbibiro o hindi si Paulo dahil mas importante na tinanggap ng Enpress ang kanyang apology. Ang saya-saya ng hitsura nila ni Jun sa interbyu sa kanila na lumabas sa mga news program ‘no?! As if hindi sila nagkaroon ng isyu!
Lovi naninindigan na kaibigan lang si Jake
Gaya ni Paulo, nanindigan si Lovi Poe na loveless siya at friends lamang sila ni Jake Cuenca.
May mga naniniwala sa statement ni Lovi, hitsurang marami na ang sightings sa kanila ni Jake.
Well, karapatan ni Lovi na mag-deny dahil buhay niya ‘yon. Wala siyang ipinagkaiba sa mga artista na gustong maging private ang kanilang mga love life.
Sina Lovi at Paulo ang stars ng The Bride & the Lover, ang coming soon movie ng Regal Entertainment, Inc.