Kahit inaalipusta mula ulo hanggang paa Cacai mahal na si Mario!

Sa interview ni Cacai Bautista sa Showbiz Inside Report last Saturday, napaiyak ang komedyana dahil sa friendship nila ni Mario Maurer at sa kabaitang ipinapakita sa kanya ng said Thai Superstar.

“Naiiyak ako kasi sobrang bait niya talaga sa akin. Hindi ko kasi akalain na magiging magkaibigan kami na ganito eh kasi ‘yung mga tao... Porke ba komedyante na chaka hindi na puwedeng magkaroon ng kaibigan na sikat, na superstar, na international star?” sabi ni Cacai na naluluha.

“Siya lang ‘yung nagpatunay na wala talagang pinipili ‘yung totoong pagkakaibigan, kahit ano ka pa. Marami akong kaibigan pero ‘di ba, sino ba mag-aakala na ako lang, si Cacai lang (ang magiging kaibigan ni Mario)?” say pa niya.

Buhat nang matsismis silang dalawa na nagsimula nga nang magpunta siya sa Thailand at mag-dinner sila roon, sari-sari nang komento ang netizens tungkol sa kanila. May mga nagsasabing ginagamit lang niya si Mario para sumikat siya at aminado naman siyang nasasaktan din naman siya sa akusasyon.

“Minsan natatawa ako, minsan nai-stress ako. Wala naman ako pakialam kahit ano pang sabihin — ‘ambisyosa,’ ‘ilusyonada.’ Pero ‘yung sasabihin nila na I’m using Mario to be popular kasi hindi naman showbiz ‘yung friendship namin eh. Totoong friendship iyon ’no?” say pa ni Cacai.

Nag-apologize na nga siya kay Mario dahil sa intrigang ito.

“Pero siya, dedma lang siya. Sabi niya, ‘I don’t have to worry. Stop worrying. You’re my sister. I want you to be happy,” kuwento ni Cacai.

Pero hindi naman nagpaka-hipokrita ang komedyana nang matanong ang komento niya sa ideyang puwede silang magkaroon ng relasyon ni Mario.

“Siyempre, sumasagi ‘yun sa isip ko. Who wouldn’t fall in love for a guy who’s really nice? Who has simple dreams?

“Everybody would fall in love not only with the Mario who is a superstar, but Mario as the person that he is. Parang, wow! Ako rin, may ganoon din. Pero sa ngayon gusto ko maging steady ’yung friendship namin,” she said.

Muli ay naging emosyonal si Cacai nang magbigay ng mensahe sa Superstar friend.

“Thank you for being a friend. I know you don’t want me to worry anymore, but because I want to protect you. I love you po.

“Whatever happens, I will still be your friend no matter what, even if you’re not Mario the star anymore, I promise you that. Thank you so much,” mensahe ni Cacai para kay Mario.

Empress nagbuyangyang na rin

Si Empress ang cover girl ng FHM Magazine para sa anniversary issue nito ngayong Marso dubbed The FHM Bikini Heaven Special. This is the first time ever na mag-pose ang young actress para sa nasabing men’s mag at napapayag siya dahil hindi naman sexy ang concept at wholesome pa rin naman ang kanyang pictorial kahit pa naka-bikini siya.

But she revealed in the interview na siyempre ay kinabahan din siya.

“I thought about it for a long time…not about wearing a bikini but what posing for FHM implies. Pero tumatanda na ko... Mas lumawak na isip ko about the magazine. I can say parehas lang siya sa ibang magazine – pero may kaunting edge. Gusto kong sabihin na ’wag i-judge ’yung magazine by the cover and I’m happy that naging part ako of it,” she said.

“Natutunan ko na rin maging comfortable sa sarili kong body. Siyempre kinakabahan ng kaunti pero I’m happy kasi meron ako nagawa na bago para sa sarili ko and sa career ko,” pahayag pa ng young actress.

Pero sa mga nagtatanong kung hudyat na ba ito ng kanyang pagpapa-sexy sa kanyang mga upcoming pro­ject, Empress has this to say: “I want everyone to realize that I’m no longer a child. It’s also for everyone to understand na po­sing for FHM doesn’t mean na magse-sexy ka na or you are changing your image sa public. For me, I took posing for FHM as a challenge to show everyone na you can still be wholesome while showing skin. It’s all about how you carry yourself.”

Huling napanood si Em sa pilot week ng Apoy sa Dagat starring Angelica Panganiban, Diether Ocampo, and Piolo Pascual. Kahit maikli lang ang role niya ay nag-enjoy siya portraying the young Odessa dahil kakaibang Empress naman ang nakita rito.

“First time ko maging kontrabida. For me it’s mature and challenging, ’kakaiba para sakin kasi before ako lagi ’yung kinakawawa and ako lagi ’yung umiiyak. For the first time ako ’yung mang-aapi. Masaya ako na nagawa ko ’yun,“ she said.

Show comments