^

Pang Movies

Rocco na-challenge sa tinatrabaho, nakipag-usap sa mga empleyado ng city hall

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

No problem kay Rocco Nacino kung wala muna siyang gagawing drama series for three months sa GMA 7 pagkatapos ng top-rating nilang afternoon prime ni Lovi Poe, ang Yesterday’s Bride. Binigyan naman kasi siya agad ng ibang assignment, tulad ng mga regional TV show na makakapaglibot siya sa iba’t ibang lugar sa bansa. Pero ang pinakamagandang assignment niya ay ang pagkapili sa kanya to portray the role of a town mayor, si Mayor Joseph Santiago, sa Bayan Ko. Isa itong ground-breaking television project ng GMA News TV (Channel 11), their first original series na may six parts na dinidirek ni Adolfo Alix, Jr. Magsisimula na today, March 10, at tuwing Linggo ito, 6:30 p.m.

Na-excite at na-inspire si Rocco sa bagong project at dahil wala naman siyang alam sa politics, at mature role na ito, naging challenge sa kanya kaya naman gumawa siya ng sariling research. Nakipag-usap sa isang city administrator sa Metro Manila, sa mga city hall employee. Sa story, makikita mo ang mga serious matter sa isang munisipyo pero nilagyan ng touch of comedy, an unexpected romance, pero ang primary goal ay mai­paabot sa televiewers ang kanilang political and social issues. Makakasama ni Rocco ang mahuhusay na artistang sina Pen at Ping Medina, Mercedes Cabral, LJ Reyes, and more.

Nang makausap namin si Rocco sa set, hindi nai­­wasang matanong siya muli sa kanyang love life pero sabi niya ay zero ito at focused siya talaga sa work. Tungkol sa former girlfriend na si Sheena Ha­lili, inamin niyang hindi pa sila nagkakausap but he hopes na maging friends sila ulit. Si Lovi naman, after ng taping nila ng Yesterday’s Bride, sa Party Pili­pinas na lamang niya nakikita. After ng taping ng Bayan Ko, magsisimula namang mag-shooting si Rocco ng Ibong Adarna na entry sa indie film category ng 2013 Metro Manila Film Festival na ididirek ni Jun Urbano.

Wowowillie ipinagpapaliwanag din ng MTRCB

Ang TV5 naman ang pinadalhan ng summon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) for gender sensitivity and decorum inquiry sa nangyari sa Wowowillie noong Feb. 28 na sinumbatan ni Willie Revillame ang mga co-host niyang sina Ethel Booba at Ate Gay. 

Totoo kayang sinabi rin ni Willie na hanggang June na lamang ang show niya dahil ayaw niya nang pinuputol siya sa ere kapag tapos na ang oras nila?

 

ADOLFO ALIX

ATE GAY

BAYAN KO

ETHEL BOOBA

IBONG ADARNA

JUN URBANO

LOVI POE

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with