Baron kailangan nang ipagamot sa espesyalista sa utak
Kung totoong nanggulo sa isang bar si Baron Geisler, dapat hindi na siya kampihan o pagtakpan ng kanyang mga kamag-anak at kaibigan.
Sakaling meron nga siyang diperensiya sa pag-iisip, tulad ng dahilan ng kanyang manager na bipolar ang aktor, dapat ipasuri at ipagamot sa isang espesyalistang doktor sa utak.
Mahirap kasing lumalala pa ang sitwasyon haÂbang tumatagal. Nabasa pa naman namin ang headline sa PM kahapon, na isang baliw ang kumatay sa mag-asawa, pati na ang kanilang dalawang anak!
Permanenteng kondisyon ba sa isip ang pagiging bipolar? Dapat may mga maintenance drugs man laÂmang upang maging kalmante ang takbo ng utak.
Dahil sa sabon Carmina at anak nakapagbigay ng masamang halimbawa
Patuloy na nagbibigay ng negatibong halimbawa sina Carmina Villaroel and her son sa paulit-ulit na pagpapalabas sa TV ng isang detergent ad.
Sa unang bahagi ng commercial, ipinakita na tinapakan ng aktres na naka-maputik na sapatos ang shoes ng kanyang anak kaya narumihan ito. Sa bandang ending ng anunsiyo, ang anak naman niya ang tumapak sa suot ni Carmina kaya napuno ng putik at nagtawanan pa sila.
Pinakitang okay lang ang kanilang ginawa, na tiyak na gagayahin ng mga tsikiting. Puwede namang ibenta sa TV ang sabon nang hindi nagbibigay ng bad example.
Anne Curtis nakagaanan ng loob ng bandang The Script, gustong makita uli
Sa isang interview kay Glen Power ng Irish trio na The Script, sinabi niya na gusto niyang makita at makasamang muli si Anne Curtis pagbalik nila sa Maynila upang muling magtanghal.
Halata namang hindi gumigimik si Power tungkol sa saloobin niya sa Pinay actress dahil sold out na ang tickets sa forthcoming show. Ang say ng Irish musician, nakagaanan nila ng loob si Anne dahil sa magandang ugali at pakikitungo sa kanila at iba pang tao.
Naging very close sila kaya’t sinabi ni Glen na higit silang mag-e-enjoy sa kanilang second Manila visit if Anne Curtis will be with them, kahit sandaÂling oras lang.
Coco at Paulo magkapareho ng adbokasiya sa malinis na eleksiyon
What do Coco Martin and Paulo Avelino have in common bukod sa pareho silang ABS-CBN contract artists?
Pareho nilang advocacy ang clean election at pagpili ng mga nararapat na kandidato this coming May elections. Kahit may sinuportahang senatoriables si Coco, hinihimok niya ang mga kababayan na iboto ang mga nararapat na mga tapat na lingkod bayan.
Aktres nagwa-wais na sa singil, pulitikong nagyaya sa kampanya noon may utang pa hanggang ngayon
Inaalok ng isang senatoriables ang isang sikat na artistang nag-endorse sa kanya at sumama sa kanyang campaign sorties sa probinsiya. Kahit milyones ang offer, ayaw nang tanggapin ng aktres.
Malaki pa raw kasi ang balance sa kanya ng politician noong nakaraang eleksiyon kaya’t kailangang bayaran muna ang utang. Papayag lang siya, this time, kung cash na ang ibibigay sa kanyang talent fee.
Mahirap na kasing masubang muli.
Version ni BB sa Halik… napuno ng kalandian at malisya
Reklamo ng mga kritiko sa version ni BB Gandanghari ng Halik ng Tarantula (originally Kiss of the Spider Woman), naglaho ang malalim na imahe ng award-winning play.
Ang puna nila, naging puro kalandian lang ng bading ang local edition ng stageplay at nilamon ng malisya ang tunay na mensahe ng original stage play. Kaya ito patuloy na dinudumog sa Teatrino, Greenhills, inaabangan ang paghuhubad ng mga machong leading men, pati na si BB.
Meron nga kaming kilalang baklesh, sa lahat ng three nights ng show bumili ng ticket at nakaupo pa sa harapan. Gusto kasi niyang ma-sight ng buong linaw kung maghuhubad na nang husto ang mga hunk. Inaasahan niya kasi na hindi na magtatakip ng tuwalya sa harapan ang mga artista, kahit sa isang gabi lang!
Iha, sa mga gay bar ka na lang manood. Tiyak na nakahubad ang mga macho dancer at iduduldol pa sa iyo ang nota!
- Latest