Alden at Andrea, bibida sa tamis at pait na kuwento ng pag-ibig!

MANILA, Philippines - Campus heartthrob si Tom samantalang student leader naman si Jezza. Tila “a match made in heaven” ang pagsasama ng college sweethearts na ito.

Subalit ang pagiging mag-boyfriend at girlfriend ay hindi laging masaya. At ang anumang relasyon ay kailangang dumaan sa pagsubok upang maging matatag.  

Mapaninindigan kaya ni Tom ang pangako niyang “walang iwanan” kapag natuklasan niyang matagal nang may malubhang sakit si Jezza? 

Abangan ang pinaghalong tamis at pait na kuwento ng pag-ibig na ito na pagbibidahan nina Alden Richards at Andrea Torres ngayong Sabado sa  Young Love The Tom Fernandez and Jezaline Clemente episode ng Wagas: Mga Totoong Kuwento ng Pag-ibig.

Mapapanood ito simula 7:00 p.m. sa GMA News TV Channel 11.

 

Show comments