Nakaisa na, Budoy nagbabantang maghakot ng award
Ang totoo noong una pa lamang naming mapanood ang Budoy, sinabi na naming ang performance ni Gerald Anderson bilang isang special child ay maghahatid sa kanya ng isang acting awards. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magaling si Gerald pero sa kanyang performance bilang Budoy ay talagang napakahusay niya na sa palagay namin kung may ibang nanalo ng award na kanyang natanggap ay kawawa lang kung sino mang artista iyon. Dahil tatanggap nga siya ng award, lalaitin naman siya ng ibang tao dahil naniniwala nga ang karamihan na kung meron mang dapat na bigyan ng parangal doon, si Gerald na nga iyon.
Mahirap ang role na binigyang buhay ni Gerald. Mahirap ang role ng isang abnormal. Sa kaso pa ni Budoy, iba ang kanyang character, iba ang kanyang abnormality, physical lang iyon at hindi sa isip. Tama kasi ang pag-iisip niya.
Nadagdag pa roon ang ibang problema dahil sa mga miyembro ng kanyang tunay na pamilya at ang nakagisnan niyang ina. Talagang kahit na sino ay magiging emotionally disturbed sa ganoong sitwasyon at hindi naiiba si Budoy. Ang lahat ng ’yun ang siyang lalong nagpahirap sa role na ginampanan ni Gerald.
Kaya nga ang kanyang ginawa ay itinuturing nang isang acting vehicle na pang-award talaga. Nagkataon din namang walang ibang gumawa ng mabigat-bigat na role, kaya sinasabi ngang halos sigurado nang si Gerald ang mananalo sa simula pa lang.
Iyon ang isang panalo ng award na walang questions. Iyon ang isang panalong tanggap talaga ng publiko agad. Iyon ang panalong walang duda.
MTRCB mas nagbabantay na, mahigpit pa!
Mas mahigpit daw ngayon ang Movie and TeleÂvision Review and Classification Board o MTRCB kaysa dati. Mukhang talagang binabantayan ni MTRCB Chairman Toto Villareal lalo na ang mga television network, kaya mabilis ang kanyang aksiyon kung mayroong lumalabas na hindi maganda sa telebisyon.
Siguro nga nakadagdag doon ang bagong rating na Strict Parental Guidance o SPG, na ginagamit nila ngayon sa telebisyon. Lalo na nga sa mga teÂleserye.
Pero may nagsasabi ngang mukhang may nakakalusot pa rin, ang mga violent cartoon. Cartoons nga sila, o animé sa bagong tawag, pero ang mga palabas na ’yan ay punung-puno ng karahasan. Palagay namin ang mga ’yan ay dapat bigyan nang mas mataas na rating at huwag payagan kung umaga na kung kailan nanonood ang mga bata.
Aktor na nagpapaka-wholesome kahit dati nang rumarampang naka-underwear lang, ngayon magpapa-sexy na raw
Naka-ready na raw ang isang aktor na alisin ang kanyang cute image at lumaban na nang paseksihan. Siguro naman okay nga lang iyon, dahil bago naman siya nag-artista ay laman siya ng mga bikini contest eh, at rumarampa siya na walang suot kundi underwear.
Ano naman ang dahilan para sobra pa siyang magpaka-wholesome?
- Latest