^

Pang Movies

Gerald wala nang dapat patunayan, lantaran na ang masayang relasyon kay Maja

- Vinia Vivar - Pang-masa

Mukhang in love nga talaga si Gerald Anderson kay Maja Salvador dahil in his latest TV interview, nagsalita na naman ang young actor tungkol sa estado nilang dalawa at inamin niya na masaya siyang kasama ang young actress.

“Matagal na rin po akong single. And you know, I found someone na gusto ko ring makasama, gusto kong mas makilala pa, masaya ako kapag kasama siya. So, bakit ko ipagkakait ang sarili ko sa ganun?

“Like I said, artista ako, ang trabaho ko is umakting pero ’yung hindi itatago ko ang relasyon ko,” sabi ni Gerald nang makausap ng media matapos siyang manalo ng Best Drama Actor award sa Golden Screen Awards for TV last March 1.

Aware naman si Gerald tungkol sa mga intriga at panghuhusga sa relasyon nila ni Maja to the point na pati pamilya nila ay nadadamay.

“We just have to be strong for each other and show na happy ka. Kumbaga, gusto ko, (naka) smile. Kung masaya ka sa ginagawa mo, masaya ka sa mga kasama mo, part ng trabaho ko ’yan.

 â€œLike I said, ang dami kong kailangang i-prove bilang isang artista pero bilang isang tao, wala po akong kailangang i-prove sa kahit sino,” sabi ni Ge­rald.

’Yun na!

Sonny Angara aminadong hindi nadadaan sa paguwapuhan ang boto

Si Team P-Noy senatorial candidate Edgardo “Sonny” Angara ang bagong Pinoy heartthrob dahil simula nang mag-umpisa ang kampanya last Feb. 12, palagi siyang pinalilibutan ng nagtitiliang kababaihan na humihingi ng kanyang autograph at humihiling na makasama siya sa picture-taking. May ilan pa ngang babae na ninanakawan siya ng yakap at halik.

“Thank you po, thank you. Happy ako na malaman na may fans din pala ako. Akala ko’y monopol­yo lang ito ng aking guwapong partner na si Senator Chiz (Escudero),” Sonny humbly said.

Matatandaang noong kumandidato rin kasi si Chiz noong 2007 bilang Senador, dinudumog din siya ng kababaihan sa campaign sorties sa buong bansa.

At bago rin naging mahusay at produktibong senador, si Chiz ay naging spokesman ni Fernando Poe, Jr. na bumangga kay Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 presidential elections at nanguna sa anti-corruption campaign sa maraming taon ng GMA administration.

Ayon kay Sonny, hindi lang paguwapuhan ang paggawa ng batas at pagiging public servant.

“Anuman ang panglabas na kaanyuan at hitsura, mas gumaguwapo ang isang lawmaker kapag naisusulong niya ang mga batas na kinakailangan ng ating bansa at mamamayan,” aniya.

Sa loob ng three terms ni Sonny sa Lower House, marami siyang batas na nagawa para sa edukasyon, trabaho, at kapakanang panlipunan. Ilan sa mga ito ang Expanded Senior Citizens Act, Universal Kindergarten Act, pagtaas ng sahod ng teachers, at exemption sa buwis ng mga karaniwang manggagawa.

Sa SWS survey ngayon buwan, patuloy ang pagtaas ng puntos ni Sonny habang bumababa naman ang puntos ng UNA senatorial bets tulad ng mga poging sina Jackie Enrile at Gringo Honasan na nalaglag mula sa Magic 12.

“Alam ng mga botanteng Pinoy kung ang kanilang ibobotong kandidato ay talagang nagtrabaho noong nakapuwesto pa. Hindi na sila magpapaloko,” ang pagbibigay-diin ni Sonny.

 

 

CHIZ

DRAMA ACTOR

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

FERNANDO POE

GERALD ANDERSON

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

GOLDEN SCREEN AWARDS

GRINGO HONASAN

LIKE I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with