Kahit naka-tanga pa, MTRCB hindi pinalampas ang sobrang kaseksihan ni Anne sa ASAP!
Sinita rin ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang ASAP dahil sa sinasabi nga nilang mukhang masyadong sexy na production number ang ginawa ni Anne Curtis para sa kanyang birthday presentation.
Sinabi ng MTRCB na kailangang maging aware ang mga tao sa ASAP tungkol sa gender sensitivity.
Nauna rito, sinita rin nila at binigyan pa ng sanctions ang Party Pilipinas dahil sa medyo mahalay na production number ni Lovi Poe.
Sa pagkakataong ito, nagpaliwanag naman si Anne na hindi totoo ang mga tsismis na ni wala siyang underwear na suot sa ilalim ng napaka-sexy niyang damit. In fact, ipinakita niya ang nasa ilalim ng damit na may mahabang slit. May suot pala siyang tanga o parang bathing suit.
Pero hindi pinag-uusapan ’yung kung mahuhubaran ba siya o hindi eh. Ang pinag-uusapan ay ano ang naging dating ng nasabing production number sa publiko?
Mukha ngang sensitibo ang pamunuan ng board ngayon sa mga ganyang bagay, na sa palagay namin ay tama rin naman kasi kung minsan akala mo kahit na ano ay maaari na lang nilang isuot sa telebisyon. Nakakalimutan nila na may mga batang nanonood sa kanila.
Chef Logro tinalbugan si Ronnie Ricketts sa paagahan sa set
Matapos ang limang taon, ngayon lang nakagawa ulit ng pelikula si Ronnie Ricketts, ang The Fighting Chefs. Isang taon daw niyang pinaghandaan ang script ng nasabing pelikula, na siya rin ang nagdirek at line producer. At natutuwa siyang nakuha nga niya si Chef Boy Logro na sa simula pa lang ay talagang gusto na niyang makasama sa pelikulang palabas na sa March 6.
Ikinukuwento ni Ronnie, marami rin siyang nilapitan dahil hindi niya alam kung paano hahanapin si Logro. Puro walang nangyari sa mga nagsasabing contact nila ang sikat na chef. Nagkataon naman na naging guest si Mariz sa show noon at nabanggit ng kanyang asawa kay Logro ang tungkol sa plano ni Ronnie. Excited at agad na pumayag naman ang chef at ibinigay agad ang kanyang number para magkausap sila ng mister niya.
Naayos nga nila ang lahat at nagawa ang pelikula.
Ikinukuwento rin ni Ronnie, tinalo siya ni Logro sa unahan sa set. Iyan kasing si Ronnie, ugali na niya kahit na noong araw pa na isang oras bago ang scheduled shooting ay nasa set na. Aba, noon daw first shooting day nila, alas-siyete ng umaga ang call time, laking gulat niya pagdating niya sa set ng alas-sais, naunahan siya ni Logro na dumating sa set 15 minutes earlier. Ang katuwiran daw ng chef, “May nagsabi sa akin maaga ka sa set kaya dumating ako nang mas maaga.â€
Mukhang magkasundung-magkasundo talaga ang dalawa. Sinasabi nga ni Ronnie, napakasimpleng tao raw ni Chef Boy. Madalas in between shooting breaks, nagkukuwentuhan sila at open daw ang GMA 7 talent tungkol sa kanyang pinagdaanang buhay. Sabi nga ni Ronnie, napakaganda ng buhay ni Logro at kung iisipin ay material din para sa isang pelikulang drama. Pero ngayon nga, action-comedy naman ang ginawa nilang The Fighting Chefs.
Maraming iba pang una sa kanilang pelikula. First time rin kaÂsing lalabas sa pelikula si Marella Ricketts, ang anak na babae nina Ronnie at Mariz.
- Latest