Nagdaan ang pasko, bagong taon, at araw ng mga puso hindi nagpaparamdam: Charice hindi mahagilap!

Nagdaan ang holiday season at matatapos na ang Love Month pero nawawala pa rin sa eksena si Charice. Wala tayong balita tungkol sa kanya noong Valentine’s na dapat ay top billed siya sa isang live concert.

Baka naman busy siya sa mga commitment abroad? Sabi ng iba mukhang abala sa audition sa mga Broadway musical. Nasaan kaya ang misteryosang singer? Kahit naman saang lupalop siya ng mundo magpunta, maraming mag-o-offer sa kanya para kumanta sa mga live at TV show.

Pambihira kasi ang singer na may lung power tulad ni Charice. Malay natin, baka pagsulpot niya uli sa eksena ay teacher na siya ni Jessica Sanchez sa bagong season ng Glee!

Ano naman kaya ang bago niyang shocking hairdo?

Mga bigating director magsasalpukan sa Sineng Pambansa

Kumpleto na ang 12 pelikula na kasali sa Sineng Pambansa-All Master’s Edition ng Film Development Council of the Philippines na itatanghal sa Sept. 7 to 26.

Ang 12 directors na kalahok with their film pro­jects ay sina Elwood Perez (Proserpina de Ma­nila), Gil Portes (Crossroads), Maryo J. Delos Reyes (The River), Romy Suzara (May Tinik Ang Huwad na Bulaklak), Jun Urbano (The Winged Gladiator), Tikoy Aguiluz (Eman), Car­los Siguion-Reyna (Oro), Jose Javier-Reyes (Ano ang Kulay ng mga Nakalimutang Pangarap), Chito Roño (Badil), Lore Reyes and Peque Gallaga (Sonata), Mel Chionglo (Lorenzita), and Joel Lamangan (Lihis).

Sa mga titulo pa lang, mukhang pawang mga obra maestra ang mapapanood nating 12 bagong pelikula mula sa mga batikang filmmaker. Bibigyan ang bawat director ng P1.5 million grant para simulan ang kanilang projects. Sila na ang bahalang maghagilap ng kanya-kanyang producer upang matapos ng maayos ang kanilang mga lahok.

Bakit ba si Gil Portes natapos at nagkamit pa ng award ang Pitik Bulag noong 2009, sa total production cost na P1 million lang? Kung malaking pelikula tulad nang ipinahihiwatig ng ibang titulo baka kailangang mahigit sampung milyong piso.

Aiza hindi maiiwan ang pagiging tibo

Si Aiza Seguerra mismo ang nagpahayag sa kanyang Twitter account na hindi siya aalis sa Be Careful With My Heart kahit inilipat ito sa 11:30 a.m.-12:30 p.m. slot. Ang Eat Bulaga, pinapalabas simula alas-dose ng tanghali.

Say ng dating child actress, palagi niyang tinatanaw na malaking utang na loob ang pag-build up sa kanya ng Bulaga. Pero hindi niya iiwan ang role ng tibong kapatid ni Jodi Sta. Maria sa super hit soap.

Kaya lang siya mawawala sandali sa Be Careful With My Heart, meron siyang mga singing engagement abroad. Babalik din naman siya sa show pag-uwi sa bansa.

Aktres natatakot sa ex na tomboy

Gustong balikan ng kanyang dating tiboli lover ang magandang aktres. Natatakot siyang baka guluhin siya ni ‘Kuya’ kapag hindi siya pumayag. Very secure na kasi siya sa kanyang actor boyfriend kung kanino niya natikman ang tunay na pagmamahal.

Disente naman ang tibong dating na-link sa aktres. Kaya imposibleng gamitin niya ang emotional blackmail para balikan siya ng dating partner.

TV broadcaster idinaldal na nagla-lampin na ang kagalit na veteran politician

Hanggang ngayon may kinikimkim na galit ang TV broadcaster sa isang sikat na politician. Sa isang party, sumobra ang daldal niya, na kahit hindi naman niya kilala ay kung anu-anong paninira ang sinasabi.

Ipinagkalat ng TV personality sa isang party na dapat hindi na payagang kumandidato ang veteran politician. Ang kanyang dahilan, gumagamit na ng adult diaper (lampin para sa mga gurang) ang politician!

Ano naman kaya ang kaugnayan ng lampin sa paglilingkod-bayan? Pakisagot nga, Lola Ador.

Show comments