Robin ramdam na ang pagtanda, madali nang mapagod at kailangan nang mamahinga ’pag gumagawa ng action scenes!

Feel na raw ni Robin Padilla na ’di na siya bata. Yes, at 40 something.

Nararamdaman daw niya ito tuwing nagkakaroon siya ng mga action scene sa kanyang current top series na Kailangan Ko’y Ikaw aired daily on ABS-CBN. Kasi raw noong kanyang kabataan kahit napapasabak pa siya sa action scenes araw-araw, waring ’di niya ito iniinda.

’Di raw tulad ngayon na kapag ang eksenang kinunan the day before sa Kailangan Ko’y Ikaw ay action, dapat the next day nun ay magpahinga siya. Mabuti na lamang at ever ready ang asawang si Mariel Rodriguez na masahihin siya hanggang sawa na bawat haplos ay damang-dama niya ang pagmamahal.

But what to him makes Kailangan Ko’y Ikaw special is having to work with two admirable and attractive leading ladies, sina Kris Aquino at Anne Curtis. Na pareho ring mahusay and, likewise, they give their all sa bawat eksenang kanilang ginagampanan.

On his director, Bb. Joyce Bernal, say ni Robin: ‘‘Friend first and foremost ko si Direk Joyce. On the set of Kailangan, however, she is a director at work. At iginagalang ko ang bagay na ito,’’ tukoy pa ni Robin.

By the way, did you know na minsan nang nagkatrabaho sa pelikula sina Robin at Direk Joyce? Yes, in the movie of the same title, Kailangan Ko’y Ikaw.

Si Regine Velasquez naman ang leading lady ni Robin sa pelikula.

Jayson panalo sa gitna ng laban nina Kim at Maja

Mukhang tumitindi lalo ang ‘‘bakbakan’’ nina Kim Chiu at Maja Salvador sa kanilang first series together, Ina, Kapatid, Anak. Bale ba, naglayas pa si Maja bilang Margaux sa kanilang mansion, dala ng patindi nang patinding selos at inggit kay Celyn (Kim).

Mukha ring matagal pang mare-resolve ang problema nila dahil obvious na hindi pa mare-reveal ang tunay na relasyon ng dalawa.

Sa totoo lang, panalo rito ang former Pinoy Big Brother (PBB) contestant turned comedian na si Jayson Gainza na siyang tanging nakakaalam kung magkaanu-ano ba talaga sina Celyn at Margaux sa series.

Obvious na matatagalan pa bago mag-end ang series na lalo pa man ding sinusubaybayan ng mga suking viewer nito.

Congratulations din nga pala sa iba pang cast ng series tulad nina Janice de Belen, Ariel Rivera, Ronaldo Valdez, Eddie Gutierrez, Pilar Pilapil, at Cheri Pie Picache. Featured naman sina Enchong Dee at Xian Lim.

Maxene malapit nang maging manugang ni LT

Mukhang magkakamanugang muli si Lorna Tolentino. As we all know, lumagay na sa tahimik ang kanyang panganay na si Ralph at binig­yan na nga siya nito ng apo.

But while ang napangasawa ni Ralph ay ’di taga-showbiz, tatak na tatak showbiz naman ang kanyang mamanugangin sa kanyang second son na si Renz.

Renz is now open about his romance with Maxene Magalona, daughter of the late rapper and actor, Francis Magalona. Maxene’s grandparents are showbiz icons Tita Duran and Pancho Magalona.

Kapatid din ni Maxene ang sumisikat na Kapuso talents na sina Elmo at Frank Magalona.

The sweethearts reportedly spent their Valentine’s Day in Hong Kong where they were able to explore Disneyland to the max.

Show comments