Pinakamahigpit ang labanan sa Best Actress category ng 2013 Philippine Movie Press Club’s Star Awards for Movies na itatangtahal sa AFP Theater (Quezon City) on March 10.
Dalawang batikang aktres ang magkatunggali — sina Gina Alajar (Mater Dolorosa) at Nora Aunor (Thy Womb).
Also among the frontrunners are Angel Locsin and Angelica Panganiban (both for One More Try), Bea Alonzo (The Mistress), Vilma Santos (The Healing), and Jodi Sta. Maria (Migrante).
Sa Best Actor derby naman, paborito si Eddie Garcia (Bwakaw) at malakas din ang laban ni Jeorge Estregan (Laguna Gov. ER Ejercito) para sa El Presidente: The Gen. Aguinaldo Story, Aga Muhlach (Of All the Things) at Coco Martin (Sta. Niña).
Kasama din sa mga finalist sina John Lloyd Cruz (The Mistress), Jericho Rosales (Alagwa), at Dingdong Dantes (One More Try).
Bago pa magbigay ng mga Star award, merong Loving Cup Awards ang PMPC (Philippine Movie Press Club) noong si Manay Ethel Ramos pa ang presidente. Laging pinakamataas na karangalan noon ang Darling of the Press trophy. Kaya lahat ng mga sikat na artista, producer, o director, naghahangad na mabigyan ng parangal na ito.
Kaya sa kasalukuyang Star Awards for Movies, itinuturing pa ring isa sa mga major triumph ang maging Darling of the Press awardee.
Kabilang sa nominees sa kategoryang ito ng 29th PMPC Star Awards for Movies ay sina Sen. Bong Revilla, Jr., AiAi Delas Alas, Toni Gonzaga, Aga Muhlach, at Sylvia Sanchez.
Mukhang alam na ninyo kung sino ang magwawagi sa March 10.
‘Hindi naka-taping dahil sa rayuma’
Ang aking mga amiga ay nagtatanong kung mapapanood ako sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) this Saturday, 9:00 a.m. on GMA News TV. Ipapakita kasi ang mga senior citizen na nag-e-exercise (yoga, gymnastics, cycling, atbp.) sa Quezon City Memorial Circle.
Noong nag-taping sila Mother Ricky, kasalukuyang masakit ang rayuma ko!
Pinay singer nagtitiis na maging caregiver, kumakayod kahit nilalagnat o nananakit ang katawan maging US citizen lang
Isang New York-based na dating Pinay singer ang nakakuwentuhan namin noong magbakasyon dito last week. Halos mangÂiyak-ngiyak siya sa hirap ng trabaho niya as a caregiver in a nursing home.
“Kahit sobrang lamig at mataas ang snow sa daan, dapat mag-report ako sa trabaho,†himutok niya. “Kung simpleng lagnat lang o pananakit ng muscle kayod pa rin.â€
Nagsisikap siya roon dahil malapit na siyang maging US citizen. Nagsisikap din siyang ituloy ang paghuhulog ng SSS para may beneÂfits naman siya pagtanda.
Kung may mga show ang Pinoy community, nagiging performer naman siya. Madalang ang guesting niya kapag may mga artist from Manila na may show sa NYC.
Bea Alonzo puwede sa Insiang
Sinusulat ng kanyang apong si Celine Fabie ang biography ng aktres na si Mona Lisa. Ang young actress/singer ay lumabas bilang Patsy Patsotsay sa recent version ng stage musical Katy.
Noong nagbalik sa pelikula si Mona Lisa, naging very memorable ang kanyang pagganap sa Insiang, bilang ina ni Hilda Koronel, as Insiang.
Isa ang Insiang sa mga dakilang pelikula ng yumaong National Artist for Film na si Lino Brocka ang maaaring i-revive ngayon. Puwedeng si Bea Alonzo o Jodi Sta. Maria ang gumanap sa title role. Bagay kay Nora Aunor o kay Gina Alajar ang papel ng nanay.
Puwede pang magsali ng young actors for additional box-office appeal.