Bigtime, binayaran ng buo kahit walang show ngayon sa GMA Aljur nakabili ng bahay worth P19 million!

Wish pala ni Kylie Padilla na mag-stargazing sila ng boyfriend na si Aljur Abrenica sa Pampanga noong Valentine’s Day, pero may work si Aljur kaya hindi sila natuloy. Morning ng V-day ipinagluto lamang ni Aljur ng pineapple pasta with century tuna si Kylie, pero hindi raw niya nalilimutang ma-grant ang wish ng girlfriend.

“Nagulat nga ako na mahilig pala siya sa stargazing,” nakangiting wika ni Aljur nang makausap ng mga press after ng launch nila nina Iya Villania at Ian Batherson as the new endorsers ng Blue Water Day Spa. â€œNoon kasing bata pa ako, gustung-gusto kong mag-stargazing, pinipilit ko ang younger brother kong si Vin (now TV5’s contract star) na samahan ako. Nahihiga kami sa damuhan habang pinapanood ang mga stars sa langit. Iyon pala pareho kami ni Kylie na mahilig doon.”

Masaya nang sinagot ni Aljur ang issue na nagtatampo siya sa GMA Network dahil after Coffee Prince, wala pa siyang next project.  Pero nakipag-usap na raw siya sa GMA at inilatag na sa kanya ang mga gagawin niya. Isa rito ang pagganap bilang isang macho dancer sa Magpakailanman pero hindi muna niya sinabi kung sino ito basta honored daw siya na siya ang napiling gumanap sa character nito. May gagawin din silang bagong primetime soap ni Kris (Bernal) by April.

Naungkat din kay Aljur ang tweet niya na “respeto lang” na ang tinutukoy pala niya ay ang paninira kay Kylie na below the belt na at pinalalabas pang mga fans nila ni Kris ang mga nagtu-tweet na iyon. Hindi raw ganoon ang mga fans nila ni Kris. Noong una ay pinalalampas niya ang paninira kay Kylie pero nang hindi pa rin tumitigil, hindi na rin siya nakapagtimpi kaya sinagot na niya. Ngayon ay natigil na sila, kaya nagpasalamat naman siya.

Nineteen million ang cash na binayaran ni Aljur sa bahay na nabili niya pero may utang daw naman siya sa bangko pero happy siya dahil natupad na rin niya ang dream na maibili ng sariling bahay ang family niya sa Quezon City. 

Mga three months pa, makakalipat na sila dahil may mga ipinaayos pa ang daddy niya sa bahay na may five bedrooms. Habang naghihintay ng bagong project gusto muna niyang madala sa States ang kanyang family, baka raw sa Holy Week, for a vacation.

Pero si Aljur, kahit daw wala pa siyang work, hindi siya nagpapabaya sa kanyang katawan. Paborito niya na habang nagri-relax at tina-try ang iba’t ibang services sa Blue Water Spa ay nakakapanood pa siya sa kanilang first of a kind na Spa Theater.

 

 

Show comments