Male tv host/actor hindi mahilig maligo, naghihilamos at nagsese­pilyo lang sabay spray ng pabango diretso na sa trabaho!

Hindi pala mahilig maligo ang TV host/actor na very visible sa TV. Kahit mainit ang panahon o kababangon pa lamang niya mula sa kama, naghihilamos, nagsesepilyo ng ngipin sabay spray ng pabango at nagbibihis lang ang aktor at dumidiretso na siya sa kanyang mga showbiz commitment.

May mga pagkakataon na naaamoy ng mga kasamahan niya sa trabaho ang maasim na amoy ng TV host/actor pero dedma ito. Masuwerte ang aktor dahil makinis ang balat at magaganda ang mga damit niya kaya hindi agad nahahalata na maasim ang ang kanyang amoy.

Madam Auring magbebenta ng bahay para masustentuhan ang pagpapagamot

May balak si Madam Auring na ibenta ang kanyang mala­king bahay sa Quezon City para sa pagpapagamot niya.

Nanawagan noon ang pamilya ni Madam Auring sa mga tao na may mabubuting kalooban na tulungan sila. Hindi ako sure kung may mga nagbigay ng financial help pero plano ni Madam Auring na ipagbili ang bahay niya.

Controversial personality susubok ng kapalaran sa abroad

Matagal na mawawala sa bansa ang isang controversial personality kapag natuloy ang balak niya na subukan ang kapa­laran sa abroad.

Talented ang controversial personality. Hindi malabo na matupad ang pangarap niya na makapagtrabaho sa ibang bansa.

Makakatulong ang  pag-alis ng controversial personality para malimutan nito ang mga malulungkot na nangyari sa kanyang buhay na kagagawan ng isang tao na pinagkakatiwalaan niya.

Indio dalawa ang kalaban sa ABS-CBN

Regular ang panonood ko sa Indio, ang primetime show ni Bong Revilla, Jr. sa GMA 7 at napansin ko na ang dalawang primetime program ng ABS-CBN ang kalaban ng kanyang teleserye.

Hinihiling ng fans ni Bong sa Kapuso ma­nagement na itapat ang Indio sa show ni Coco Martin para isa na lang ang kalaban ng kanyang primetime show. Umaasa ang mga supporter ni Bong na pagbibigyan ng GMA 7 ma­nagement ang kanilang munting request.

Sunshine magiging Cover Girl ng FHM!

Waiting ang mga mahihilig sa intriga sa reaksiyon at sagot ni Cesar Montano sa balita na magiging cover girl ng FHM ang kanyang misis na si Sunshine Cruz.

Interesado ang FHM staff na maging cover girl nila si Sunshine at alam ko ito dahil hini­ngi nila sa isang kakilala ko ang contact number ni Alfie Lorenzo, ang manager ng estranged wife ni Cesar.

May image na conservative at seloso si Cesar kaya big news para sa mga intrigera ang pag-pose ni Sunshine ng sexy sa isang men’s magazine.

Show comments