^

Pang Movies

Sigaw ni Erap, Isko hina-harass ng mga kalaban kaya pagbi-bingo pinakialaman!

MASA....RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Nakatuon ang pansin ng mga taga-showbiz sa lungsod ng Maynila dahil mga dating aktor ang mag-running mate as mayor (former President Jo­seph ‘‘Erap” Estrada) at incumbent vice mayor (Francisco Domagoso o Isko Moreno).

Uminit ang intriga sa lungsod nang ipaaresto si Isko, kasama pa ang limang ka-tiket nila, including Councilor Yul Servo. Inakusahan sila ng illegal gambling dahil sa pa-bingo na dinaluhan ng 500 tao.

Nadetine ang mga hinuli sa isang Quiapo police station, matapos silang dakpin sa isang bingo sa Tambunting. Katuwiran nina Isko, nakipagsosyalan lang sila sa kanilang mga supporter.

Dinalaw ni Erap ang mga “nakulong” at ang kanyang bintang, plain political harassment ang ginawa sa vice mayor at mga kasama na pinakawalan na rin dahil sa kawalan ng ebidensiya.

Tama ang mga opinyon ng mga artistang naging pulitiko, na higit pa ang intriga sa pulitika sa showbiz. Kaya ang ibang artista na naging tagumpay na politicians, sumuko na sa kanilang bagong larangan at nagbalik sa pag-aartista.

Karen Davila ipina-stem cell na ang anak, susubok pa ng ibang makakagamot sa autism

Lahat na ng paraan ay nasubukan ng broadcaster na si Karen Davila to improve the condition of her autistic son. Noon, mahigit na 20 food supplements ang ibinigay sa batang si David, now 12 years old and in Grade 5.

Dinala na niya ang kanyang anak sa Germany for fresh cell stem cell injections from lamb’s embr­yo. Noon pang isang taon, nasubukan na rin ang stem cell from human fat therapy, na higit na mabisa ang resulta kay David. Higit na bumilis ang kanyang responses at very dramatic ang development niya, mentally and physically.

Tulad ng ibang mapagmahal na ina, susubukan ni Karen ang lahat upang magpatuloy ang improvement ni David. Medically safe naman ang kanyang matatapang na hakbang, on the well to recovery si David.

Aktor ikinasal na sa abroad, misis ididiborsiyo na lang nang sumikat sa ’Pinas

Nagulat ang isang beking production assistant nang mahalungkat ang passport ng mahusay na aktor. Married pala sa abroad ang artista. Nagpakasal daw for convenience upang makapagtrabaho roon.

Ang pamilya pa ng girl ang tumulong upang magkatrabaho ang aktor bukod sa bahay pa ng wife niya siya nakitira.

Pagbalik sa bansa at sumikat na, biglang iniwan ang misis at may balak na mag-divorce na sila!

Fil-Am teenager tuwang-tuwa sa nakuhang lead role

Tuwang-tuwa ang Fil-Am juvenile actor na si Luke Ganalon nang mapunta sa kanya ang isa sa mga lead role na Antonio sa film version ng Mexican/American novel sa Bless Me, Ultima.

Iikot kasi kay Antonio (Luke) at Ultima (Miriam Colon) ang istorya sa pelikulang nangyari sa New Mexico noong World War II. Nakalabas na sa mga TV commercial and show ang 12-year-old Fil-Am actor. Ang tatay ng kanyang father ay isang Ilokano.

Vin Diesel hahanapin  si Andrea del Rosario pagdating sa Manila

Magkita kayang muli sa ating bansa ang Hollywood action star na si Vin Diesel at Andrea del Rosario? Aminado kasi ang dalawa na nagkaroon ng affair sa L.A. a few years back.

Sayang at happily married na si Andrea at meron ng anak. Kasama sa promo tour ng Fast & Furious movie series ang biyahe ni Vin. Tiyak na hahanapin niya si Andrea sa Maynila dahil hanggang ngayon hindi pa niya makalimutan ang sexy Pinay actress.

ANDREA

BLESS ME

COUNCILOR YUL SERVO

FIL-AM

KAREN DAVILA

VIN DIESEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with