Gumastos ng malaki: Gerald nagrenta ng helicopter para sa Valentine date nila ni Maja!

Isang helicopter daw ang nagdala kina Gerald Anderson at Maja Salvador sa isang mamahaling restaurant sa Tagaytay noong Valentine’s Day. Ano? Ang ganoong package, sabi ng ilan, ay nagkakahalaga ng P100,000. May ibibigay din kasi sa babae na flowers at stuffed toys. Packaged na. Pero mahal pa rin.

Wala naman tayong say kung paano nila gagastahin ang kinikita nila pero kapag ganun kasi kalaking pera ang “itinatapon” sa isang date ng isang Pinoy couple, habang ang Pilipinas ay hindi pa naman talaga mayamang bansa, parang hindi tama.

Pyramid scam dati nang uso sa showbiz, mga utak nakakulong pa rin!

Nag-deny na si Kris Aquino, hindi raw totoo na isa siya sa mga na-swindle ng isang money investment firm kagaya ng ini-report ng isang diyaryo sa Malaysia. Sinabi pa ng diyaryo sa Malaysia na ang kabuuang halagang natangay kay Kris ay umaabot sa 50 milyong piso.

Maraming ibang artista na naging biktima na rin ng pyramid scam. In fact, sa showbusiness mismo maraming mga natuklasang ganyang scam. Noong araw, halos ituring na ngang isang major film company ang Agrix Films dahil mula sa kanilang mga agricultural products at supermarket, pumasok nga sila sa pelikula. Sunud-sunod ang kanilang mga pelikula at puro malalaking artista ang kinukuha nila, hanggang sa pumutok ang kuwento na iyon pala ay isang pyramid scheme. Nagkagulo sa kumpanya at nang malaunan ay nakulong pa ang mismong pangulo ng kanilang kumpanya na si Sofronio Blando.

Ilang taon lamang ang nakararaan ay naulit na naman iyon sa showbusiness nang pumasok naman sa industriya ang mga Mateo na ang negosyo ay mga supermarket din. Pyramid scheme rin pala iyon at hanggang ngayon ang alam namin ay nakakulong pa ang presidente ng kumpanya na si Engineer Ervin Mateo.

Marami ring ganyan sa showbusiness, kaya ang kailangan talaga ay ingat.

Show comments