Araneta hindi napuno ni Jessica!

Hindi raw sold-out ang tickets sa Valentine con­cert ni Jessica Sanchez sa Smart-Araneta Coliseum noong Huwebes.

May eyewitness na nagkuwento na sa tantiya niya, 70% ang audience ng Big Dome, hindi 100 %.

Safe na safe raw na sabihin na mas marami pa ang nanood sa Valentine show nina Pops Fer­nandez, Martin Nievera, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa The Arena sa Pasay City.

Hindi naman dapat i-compare ang mga nasabing Valentine’s Day concert dahil malakas naman talaga ang hatak ng stars ng Foursome, kumpara kay Jessica na nakilala lang nang sumali siya sa American Idol. May kamahalan din ang tickets sa concert ni Jessica. Can’t afford ng mga Pinoy ang P10,000 price ng tickets at mas maraming paraan para ipagdiwang nila ang Araw ng mga Puso.

Sammy Lagmay niloko ng komedyanteng may letter D ang pangalan, kita sa benefit show hindi ibinigay!

Marami ang nagtatanong sa akin at sa staff ng Startalk tungkol sa pangalan ng komedyante na nanloko kay Sammy Lagmay.

Ipinakita kahapon sa Startalk ang exclusive interview kay Sammy na nagkuwento tungkol sa komedyante na nag-volunteer na magpo-produce ng benefit concert para sa kanyang kidney dialysis.

Matagal nang may karamdaman si Sammy kaya nanghihingi siya ng tulong sa mga tao na may mabuting kalooban.

Kabilang ang komedyante sa nangako ng tulong kay Sammy sa pamamagitan ng isang benefit concert pero nang matapos ito ay wala nang narinig si Sammy.

Nag-text daw siya sa komedyante pero hindi ito sumasagot as in missing in action na. Dahil hindi na nakipag-communicate sa kanya ang komedyante, naniniwala si Sammy na ginamit at niloko lamang siya.

May letter “D” sa pangalan ng komedyante na pinagbibintangan ni Sammy na manloloko.

Active pa rin sa showbiz ang komedyante dahil kasali siya sa isang pelikula na ipinalabas noong nakaraang taon.

Bigyan natin ng tsansa ang komedyante na mai­pagtanggol ang sarili. Baka may dahilan siya kaya hindi nakarating kay Sammy ang kinita sa benefit concert. Hindi naman niya siguro maaatim na lokohin ang isang tao na may mabigat na karamdaman at problematic sa pera.

Show comments