Dalawang Fil-Ams pasok sa Top 40 ng AI

Hindi nga nagtatapos kay Jessica Sanchez ang pagsali ng mga Filipino-American sa American Idol (AI). Sa ika-12th season ng naturang reality-singing contest ay dalawa ang Fil-Americans na nakalusot sa Top 40.

Una ay si Bryant Tadeo na taga-Hilo, Hawaii. Pangalawang Fil-Am ay si Adriana Latonio from Anchorage, Alaska.

Alam pareho ng American Idol judges na sina Mariah Carey at Nicki Minaj ang fascination ng mga Pinoy sa music dahil kapwa na sila nag-concert sa Pilipinas.

Nawa’y ma-impress sila sa dalawang Fil-Ams na nakalusot sa Top 40.

Baguhang aktor na nagmamadaling sumikat nagpapa-release na sa manager, nasusulsulan ng iba

How true na nagpapa-release na raw ang baguhang aktor na ito sa kanyang manager na malaki na ang na­ging hirap sa kanya para makuhanan siya ng mga kontrata kahit “the who” pa lang siya?

Nalaman ng manager na may nagsusulsol sa ba­gu­hang aktor na umalis na sa poder niya at lumipat sa grupo nila.

Pero wise ang manager dahil may ilang taon pa ang kontrata ng baguhang aktor sa kanya. Kung nais nitong magpa-release, kailangan nitong bayaran ang remaining years ng kanyang managerial contract at sa kontrata rin ng isang TV network kung saan nakapirma rin ang manager. Isama pa ang kontrata ng isang ini-endorse nitong produkto.

Aabot sa milyones ang dapat bayaran ng baguhang aktor sa kanya bago ito maging malaya sa management niya.

“Pauutangin ba siya ng milyones ng mga taong nagsusulsol sa kanya? Sila ba ang naghirap para makilala siya?

“Kung mabayaran niya lahat ng mga kontrata niya sa akin eh di maganda. I will laugh my way to the bank.

“Kung wala naman siyang maibayad, manahimik na lang siya at makuntento. Huwag siyang masyadong ambisyoso dahil nagsisimula pa lang siya,” talak ng naiiritang manager.

 

Show comments