^

Pang Movies

Pops magsusuot ng 50 costumes sa Valentine’s Day

MASA....RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Pops Fernandez always looks forward to what she will be wearing in a live concert. Tipong nagbibiro pa siya nang sabihing may 50 costume changes sa kanilang Foursome show on Feb. 14 sa SM Mall of Asia Arena.

‘‘Para sa amin naman nina Regine (Velasquez), Ogie (Alcasid), at Martin (Nievera) ang lahat ng 50 changes,’’ agad bumawi si Pops.

Nang maglitanya ng mga pangalan ng mga sikat na fashion designer na gumawa ng kanilang mga gowns at ibang damit, led by Rajo Laurel, Abel Bacudia, at Pepsi Herrera, naniwala nga kami sa maraming pagpapalit nila ng mga high-fashion costume.

Kaya abangan ang Foursome spring/summer fashion collection sa Arena on Valentine’s Day.

Imelda Marcos nauna pa sa ibang Pinoy, 1969 nagsimulang magpa-stem cell

Meron na palang 350 Pinoy ang nagpa-stem cell treatment at kabilang sa kanila ang dating First Lady, Madame Imelda Marcos, na noong 1969 pa nagsimula ng kanyang treatment sa Germany.

Kasama pa sa satisfied stem cell patients sina former President Joseph Estrada at Senate President Juan Ponce Enrile.

Nagsimula pala ang stem cell treatment noon pang 1961 at nasubukan agad ni Mrs. Marcos wala pang 10 years after matuklasan ang bisa nito na noon pang 1931 pinag-aralan.

Eula ginawang ‘pan de nora’

Sa shooting ng Raketeros ibinalita ni Eula Caballero na siya ang gumanap na dalaginding na Nora Aunor sa flashback scene ng TV5 drama na Never Say Goodbye.

Masayang nagkuwento si Eula na nilagyan siya ng makeup upang magmukhang dark ang kanyang complexion. Isang artificial na nunal ang dinagdag sa kanyang fez, to complete the Superstar look.

Naalala tuloy namin ang pan de nora na naging mabiling tinapay sa halos lahat ng bakery sa buong bansa noong sikat na sikat pa si Ate Guy.

Young starlet naka-limang retoke na sa buong mukha

Hawak ng isang beking writer ang before and after photo ng isang young star. Tinititigan niya ang mga larawan upang matiyak kung ano ang mga nabago sa fez ng artista. Tumangos bigla ang ilong. Check! Lumiit ang bukas ng eyes. Check! Naging deep-set ang mga talukap ng mata. Check! Naging pouting lips. Check! Medyo tumambok ang mga pisngi. Check!

Sa limang check na nakuha, puwede nang tawa­ging prinsesa retokada ang starlet.

Young actress ipinasalin muna sa Tagalog ang English questionnaire ng reporter bago sinagot

Tinupad ng writer na magpadala ng questionnaire sa isang young actress. Kaya lang natagalang ipadala ang mga sagot sa natanggap na mga tanong. Nag-request uli ang artista na isalin sa Pilipino ang mga question!

Buti naman at nasagot na ang mga gustong malaman ng reporter.

Top Suzara makiki-jam sa Side A sa Valentine show

Buti naman active muli sa live circuit ang mahusay na composer/performer na si Top Suzara. Topbilled siya with Side A and Jinky Vidal sa Love X3 Valentine concert (Feb. 14) sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Hotel produced by Viva Entertainment.

 

vuukle comment

ABEL BACUDIA

ATE GUY

BUTI

EULA

EULA CABALLERO

TOP SUZARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with