Malaki ang monthly allowance na hinihingi sa aktor ng kanyang estranged wife. Daan-daang libo ang halaga ng datung na pinag-uusapan. Can afford naman ang aktor na magbigay ng monthly allowance sa kanyang misis pero kailangang dumaan sa korte ang usapin para maiwasan ang anumang problema.
Coco-net project ni Mrs. Villar pinakikinabangan ng maraming kababaihan
Marami ang mga housewife na natutulungan ni Mrs. Cynthia Villar. Kung nanood kayo kahapon ng H.O.T. TV, tiyak na napanood ninyo ang coco-net project ni Mrs. Villar na pinakikinabangan ng mga kababaihan na dating walang stable na source of income.
‘Yung isang babae, umiiyak na nagkuwento na mula nang maging coco-net weaver siya, mahigit sa tatlong libong piso kada linggo ang kanyang take home pay. Malayung-malayo raw sa kinikita ng kanyang asawa na P250 a week. Sa hirap ng buhay, kulang na kulang ang napakaliit na suweldo ng mister niya.
Kaya sobra-sobra ang pasasalamat kay Mrs. Villar ng mga kababaihan na nabigyan niya ng trabaho. TumataÂnaw sila ng malaking utang na loob mula sa one and only na Mrs. Hanep Buhay.
Bukod kang Pinagpala puro iyakan
Ang maghanda ng panyo ang bilin ng child star na si Mona Louise Rey sa mga manonood ng bagong teleserye ng GMA 7, ang Bukod Kang Pinagpala.
Starring si Mona Lousie sa afternoon drama show ng Kapuso Network na magsisimula ngayong hapon at siya ang bagets na pag-aagawan nina Camille Prats, Jennica Garcia, at Jackie Rice.
Ang sey ni bagets, nakakaiyak ang mga eksena ng Bukod Kang Pinagpala kaya dapat maghawak ng panyo ang televiewers dahil siÂguradong iiyak sila.
Si Don Michael Perez ang direktor ng Bukod Kang Pinagpala. Sinabi ni Don na tiyak na magugustuhan ng manonood ang kakaibang kuwento ng kanilang show.
Nanay ng bf sangkot sa pakikipaghiwalay ni Jackie Rice?
Inamin ni Jackie Rice na nagkaroon sila ng problema ng kanyang boyfriend noong nakaraang taon.
Naghiwalay raw sila pero nagkabalikan dahil inayos nila ang problema. True kaya na may kinalaman ang madir ng boyfriend ni Jackie sa kanilang temporary split-up?
Ogie at Regine masipag mag-promote kahit sold out na ang ticket sa kanilang concert
Kahit sold-out na ang tickets para sa kanilang concert na Foursome, masipag pa rin sa pagpo-promote ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.
Tumutulong din sa promo si Pops Fernandez na co-producer ng concert na mapapanood sa The Arena sa Feb. 14. Ganyan ka-business minded si Pops. Minana niya ang hilig sa negosyo ng kanyang madir na si Dulce Lukban.