Coco walang panahon para magreklamo

“Wala akong panahon para magreklamo kahit ang dami ng trabaho. Enjoy ako sa lahat ng ginagawa ko,” sabi ni Coco Martin na pinaka-abalang artista ng ABS-CBN.

Bukod sa mataas na rating ng Juan de la Cruz ay abala siya ngayon sa promosyon ng A Moment in Time katambal si Julia Montes na palabas na sa February 13.

Mr. Fu pangarap ding magka-pelikula

Magsa-sampung taon na sa showbiz si Mr. Fu o si Jeffrey Espiritu sa tunay na buhay. Nagsimula ito sa news reporting hanggang maging TV host. Nag-e-enjoy siya sa Jeepney Jackpot at gusto niyang maging spontaneous sa pagiging host, ayaw gumamit ng idiot board.

Pangarap din niyang magkaroon ng pelikula at payag na maging sidekick ng bida. ’Yun nga lang, ayaw niyang magdamit babae gaya nang ginagawa ni John Lapus na naka-makeup pa.

Co-host ni Mr. Fu sa Jeepney Jackpot ng TV5 si Valeen Montenegro na dating Star Magic talent. Maganda ang working relationship nila ni Mr. Fu at enjoy siya sa trabaho.

Graduating na ito sa fashion design sa St. Benilde ngayong taon at type na makapagdirek ng isang fashion show.

 

 

Show comments