Kinakabahan ngayon ang isang female TV host dahil hindi na ire-renew ng TV network ang kanyang kontrata kapag nag-expire na this month. Magkakaroon kasi ng reformatting ang show na kinabibilangan niya. Ang sinabi sa kanila na iilan lang ang mare-retain dahil na-slash ang budget ng show.
Kaya ‘yung may long-standing contract ang maÂiiÂwan at ‘yung mag-e-expire na ang matsutsugi sa show.
Nalungkot nga ang female TV host dahil napaÂmaÂhal na sa kanya ang show at marami siyang natutunan sa kanyang mga ginagawa.
Loss parati ang programa pagdating sa commercial load kaya napilitan silang mag-downsize at nadaÂmay silang mga magtatapos na ang kontrata.
Ang problema kasi ng female TV host ay ang lifestyle maintenance niya. Kailangan din niyang mag-downsize sa mga gastusin sa bahay dahil mawawalan na nga siya ng kikitain every day.
Mabuti na lang daw at bayad na niya ng buo ang kinuha niyang condo unit sa Mandaluyong City. Puwede na niyang ibenta or iparenta iyon kapag nagkagipitan.
Kailangan na rin niyang magbawas ng sasakyan. Baka ibenta na niya ang isa niyang kotse na malakas sa gasolina. Iiwan na lang niya ang bagong bili niyang SUV (sports utility vehicle).
Magbabawas din siya ng mga babayaran na tauhan. Baka tsugiÂin na niya ang kanyang personal assistant at ang kanyang kasambahay na lang ang isama niya. Tsugiin na rin niya ang kanyang driver dahil marunong naman siyang mag-drive.
Nakikipag-usap nga siya sa kanyang manager na i-book siya sa kahit na anong show sa probinsiya. Kahit raw mga sagala ay papatulan na niya basta may talent fee. Hindi na raw siya magiging choosy dahil dala nga ng matinding pangangailangan.
Mabuti na rin lang daw at may mga napirmahan siyang kontrata para sa ilang endorsements kaya may kinikita siya every month at may mga libreng bigay pa sa kanya ng mga produkto.
Kahit hindi raw kalakihan ang pay, okay lang basta may pantawid siya at ang kanyang pamilya buwan-buwan hanggang sa magÂkaroon ulit siya ng regular na pagkakakitaan na show.