Hindi natutuwa si Alessandra de Rossi sa karakter na ginagampanan sa Pahiram ng Sandali dahil siya ang other woman sa buhay ni Christopher “Boyet†de Leon na asawa ni Lorna Tolentino sa Kapuso serye.
Wala naman siyang magawa dahil ito ang naibigay na role sa kanya.
Kumusta naman ang kanyang love life?
‘‘Seven years na akong walang boyfriend. Ang drama ko lang sa buhay ay bahay at taping lang. Hindi naman ako mahilig makipagsosÂyalan sa gabi. Hanggang pa-crush-crush lang ako,’’ saad ng aktres.
Ayaw pa rin niyang makipaghalikan sa kapareha sa mga daring scene. ’Yung halikan nila ni Boyet ay smack lang at ang romantic scenes nila ay kinunan ng silhouette.
Juan dela Cruz screening dinagsa
‘‘Super ganda,’’ ang komento ng entertainment press na dumalo sa advanced screening ng Juan dela Cruz noong Sabado. Bukod sa kumpleto ang cast sa pangunguna ni Coco Martin ay naroon din sina Susan Roces, Helen Gamboa, Charlene Gonzales, Arlene Muhlach, Congressman Sonny Angara na sumuporta sa bidang aktor.
Dumalo rin ang mga executive ng ABS-CBN na sina Charo Santos-Concio, Malou Santos, at Cory Vidanes with Deo Endrinal, ang creative team, at mga director ng Juan dela Cruz.
Nagsimula na noong Lunes ang Juan dela Cruz at eere gabi-gabi pagkatapos ng TV Patrol.