Serye nina Lito Lapid, binuro na

Si Dondon Santos ang direktor ng Indio ng GMA 7 at siya rin ang direktor ng Little Champ ng ABS-CBN, ang unang teleserye ni Sen. Lito Lapid.

Nag-ober da bakod na si Dondon sa GMA 7 pero hindi pa rin naipalalabas sa TV ang Little Champ. Na­iinip na ang fans ni Lito, pati na ang mga nag-aa­bang sa unang teleserye ni Renz Fernandez, ang bunsong anak nina Rudy Fernandez at Lorna Tolentino. Kasama rin sa cast ng The Little Champ sina Jhong Hilario at Jolo Revilla.

Marian takot mag-bed rest

Bawal nang magpuyat si Marian Rivera dahil under medication siya para sa pananakit ng kanyang ulo.

Twelve midnight ang cut off time ni Ma­rian dahil it’s a must na mag-take siya ng gamot at matulog bago mag-ala una nang madaling araw.

Malakas ang epekto ng gamot kaya kailangan ni Marian na matulog. Wala siyang choice or else, ipapatupad ng kanyang doktor ang advise na complete bed rest.

Hindi ma-imagine ni Marian na nakahiga lamang siya sa kama at walang ginagawa. Hindi pa siya puwedeng magpahinga dahil hanggang sa April pa ang telecast ng Temptation of Wife. Hindi puwedeng mawala si Marian sa show dahil siya ang bida.

Dennis hindi type si Glaiza

Hindi kumbinsido ang mga intrigera na in love si Dennis Trillo kay Glaiza de Castro. Naniniwala sila na para sa Temptation of Wife lang ang tsismis na nagkakamabutihan ang dalawa.

Ang sabi ng mga intrigera, knows nila ang girls na type ni Dennis, mga babae na mapuputi at pare-pareho ang shape ng mukha gaya nina Carlene Aguilar, Cristine Reyes, Jennylyn Mercado, at Bianca King.

Martin hindi mukhang 51 na

Fifty one years old na pala bukas si Martin Nie­vera? Hindi ako makapaniwala na thunders na rin si Martin dahil bagets looking pa siya. Sa totoo lang, nagulat pa ako nang sabihin na 51 years old na siya.

Pareho ng kapalaran si Martin at ang kanyang ex-wife na si Pops Fernandez. Forty-six years old na si Pops pero ang ganda-ganda pa rin niya. Namana ni Pops ang good genes ng kanyang nanay na si Dulce Lukban na parang hindi rin nagkakaedad.

Napanood ko kahapon sa ASAP ang duet nina Pops at Martin. Bagay na bagay sa kanila ang kanta na Pagdating ng Panahon. Marami ang kinilig sa kanilang duet at umasa na magkakabalikan ang dalawa, sa kabila ng love-hate relationship nila noon.

Hindi natapos sa ASAP ang duet nina Pops at Martin dahil starring sila sa Foursome, ang Valentine concert na tatampukan din nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Nakatulong ang duet kahapon nina Martin at Pops para maengganyo ang kanilang fans na panoorin ang Foursome. Excited sila na mapanood sa isang bonggang concert sa The Arena ang former couple.

 

Show comments